Star Cinema director: Natakot po ako sa 'Finally Found Someone' | Bandera

Star Cinema director: Natakot po ako sa ‘Finally Found Someone’

Reggee Bonoan - July 16, 2017 - 12:10 AM


IKATLONG pelikula palang ni Direk Theodore Boborol ang “Finally Found Someone” nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo produced ng Star Cinema at talaga raw grabe ang kaba niya sa proyektong ito.

Alam naman ng lahat na ang tatlong naunang pelikula ng dalawa na “Very Special Love” (2008), “You Changed My Life” (2009) at “It Takes A Man And A Woman” (2013) ay pawang mga blockbuster.

Bukod dito ay parehong malaking artista sina Sarah at JLC bagay na ikinalula ng baguhang director.

Kasi nga naman ang dalawang unang pelikula niya ay ang launching film nina Enrique Gil at Liza Soberano na “Just The Way You Are” (2015) at ang “Vince & Kath & James” nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia na kumita ng husto sa Metro Manila Film Festival 2016.

Natawang inamin sa amin ng director na tumanggi siya nu’ng unang i-offer sa kanya ang “Finally Found Someone”, “Sobrang hindi po ako makapaniwala nu’ng una, sabi ko, ‘totoo ba ito?’ In fact tumanggi ako nu’ng una kasi natatakot ako kasi parang third movie ko palang nakaka-pressure.

“Paano kung hindi ito mag-box-office, ako lang ‘yung bago sa team, siyempre ako ‘yung masisisi. Biggest fear ko po talaga.

“Pero at the end of the day, sinasabi sa akin ng mga producers ko na, ‘If you believe that you did your job well and you did good, whether anuman ‘yung outcome no’n, it’s okay.

“In other words, ginawa mo naman ang lahat sa project na ito.’ So, ‘yun,” kuwento ni direk Boborol.
Sina direk Jose Javier Reyes at Jeffrey Jeturian ang peg ng baguhang director, “With a dose of direk Olive Lamasan.”

q q q

Nabanggit din ni direk na ang success ng pelikula ay hindi solo credit ng director na kadalasang tinatanong kung “sinong nagdirek” kapag ang isang pelikula ay kumita o nag-flop.

“I believe na filmmaking is a group process, hindi dictatorship, hindi puwedeng sabihin na kumita ang pelikulang ito ay dahil sa director o dahil sa artista.

“For me, it’s a group effort, it’s group work. I’m just the chill laidback director, hindi nga ako nakikitang nagpapa-presscon, nakikita n’yo lang ako pag may project.

“Chill lang po ako. Kaya ako ganu’n kasi gusto ko ‘yung mga artista ko hindi natatakot sa akin, they can be more open with their own shorts, expression lang ako, but it doesn’t mean na minumura kita. Gusto ko lang open ‘yung senses nila para maka-acting sila ng tama.

“Kaya sa kind of directing ko, mas nagwo-work pag intelligent ‘yung mga artista rin which ganu’n sina Sarah and John Lloyd,” paliwanag ni direk Theodore. Tagahanga rin daw ni direk si Cathy Garcia-Molina dahil lahat ng pelikula nito ay pinapanood niya.

Naikuwento rin niya na ang gaan ng samahan nila sa set habang sinu-shoot ang movie, “Kasi ‘yung fear ko na nai-intimidate ako sa kanila, kasi malalaking artista, nawala lahat. We’re good, we’re okay, it was unfounded because I can truly say na never nilang ipinaramdam na baguhang director ako, na sila superstar.

“At the end of the day, they always ask me as a director if they have some problems with the scenes or they want to ask kung ano ‘yung pinanggagalingan ng eksena instead of dictating na ito ‘yung gusto ko.

They tell me kung ano ‘yung concern nila and we work on it. Hindi sila ‘yung tipong diktador o primadonna sa set,” kuwento pa ng director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Finally Found Someone” sa Hulyo 26 handog ng Star Cinema. Makakasama rin dito sina Joey Marquez, Yayo Aguila, Dennis Padilla, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, Christian Bables, Joj Agpangan, Justin Cuyugan, Lemuel Pelayo, Axel Torres, PJ Endrinal at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending