Horoscope July 14, 2017 | Bandera

Horoscope July 14, 2017

Madam Sophia |July 14,2017
facebook
share this

Horoscope July 14, 2017

Madam Sophia - July 14, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging lubhang mapalad ang bawat araw sa loob ng dalawang huling linggo ito sa buwan ng Hulyo. Simulan ang bawat araw sa panalangin at makikita mo, kusang matutupad ang iyong mga hiling. Mapalad ang 5, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag pumalaot sa gawaing pang-lipunan kung hindi ka rin naman kikita. Sa pag-ibig, hindi magagalit ang kasuyo kung titipirin mo siya paminsan-minsan. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsasakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganoon din sa pag-unlad, kahit na hindi masaya as long na ang ginagawa mo ay para sa pagpaparami ng pera gawin mo lang ng gawin. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Vedanta-Om.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay ng suwerte. Lakad lang nang lakad hanggang makatalisod ng malaking kayamanan. Sa pag-ibig, habang naglalakbay matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Upang lalo pang umunlad ang kabuhayan, sa panahong ito ng tag-ulan, simulan na ang Operation Malawakang Pagtitipid. Sa pag-ibig, habang nagseselos ka sa kasuyo lalo naman siyang napapamahal sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 25, 37, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Dagdag na pagsisikap pa ang kailangan upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mauto mo siyang muli at muling ibigay sa iyo ang matagal mo ng ninanais sa kanya. Mapalad ang 1, 13, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, huwag mong hayaan mangibabaw ang kalooban ng iyong kausyo kaysa sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 5, 14, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Kumilos ka na ngayon! Kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting salapi ang mga taong tumutulong sa iyo upang lalo kang pagpalain ni Lord. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pananalapi, alalahanin ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ito ang araw upang ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 9, 12, 27, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Beige at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilitan kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ba’t dati ka nang naging emosyonal, ano ang napala mo? Pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, rason at mahusay na diskarte ang paganahin, upang lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay ngayon? Sa pag-ibig, iwaglit na sa isipan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending