Phoebe Walker, AJ Muhlach tumodo sa love scene, basang-basa sa pawis | Bandera

Phoebe Walker, AJ Muhlach tumodo sa love scene, basang-basa sa pawis

Reggee Bonoan - July 12, 2017 - 12:10 AM


NAKAILANG pelikula na rin ang Viva Artist Agency talent na si Phoebe Walker, kabilang na riyan ang “Trophy Wife”, “Gayuma”, “Uncoventional” (short film), pero sa pelikulang “Seklusyon” siya talagang nakilala.

Nakasama sa Metro Manila Film Festival 2016 ang nasabing pelikula kung saan gumanap siya bilang si Madre Cecilia. At dahil sa napakahusay niyang pagganap bilang Madre Cecilia kung saan may eksena siyang hubo’t hubad habang naliligo, nanalo siyang Best Supporting Actress sa MMFF.

Sa pelikulang “Double Barrel” na launching movie ni AJ Muhlach bilang bagong action star ng Viva Films ay kasama si Phoebe at magpapakitang-gilas naman siya sa aksyon.

Base sa trailer ng pelikulang idinirek ni Toto Natividad ay hard action ito at makikitang tandem sina AJ at Phoebe sa pag-iwas sa mga pulis na tumutugis sa kanila.

Mag-asawa ang papel ng dalawa kaya hindi maiwasang may love scene na ayon kay direk Toto ay kailangan nilang magpakita ng skin para makatotohanan ang ginagampanan nilang karakter.

Hubo’t hubad sina AJ at Phoebe sa nasabing eksena kaya naman iisa ang tanong sa kanila ng entertainment press na dumalo sa presscon ng “Double Barrel”, hindi ba sila nailang sa isa’t isa? Ayon kina AJ at Phoebe ay trabaho ang ginawa nila at wala silang malisyang inisip.

Nakaplaster naman daw si Phoebe sa love scene nila ni AJ, “Napag-usapan namin na although plaster lang ang suot ko sa shooting, pero ang lalabas lang talaga dapat ay mga gilid lang. Walang breast exposure. No nipples. Basically kissing lang at silhouette lang ng nude body ko. Love scene kasi ng mag-asawa ito, kami ni AJ. At very sensual talaga.”

Ano ang pagkakaiba ng paghuhubad ni Phoebe sa “Double Barrel” at “Seklusyon”? “Well, sa Double Barrel kaya nag-plaster, para ma-feel ko naman na may proteksiyon pa rin ako sa part na ‘yon. Ayoko naman ipakita lahat. Na gusto ko naman ma-feel na hindi pa ako expose nang todo. Although nakahubad nga ako sa up.

“Pero, sa Seklusyon kasi, kahit may frontal nudity ako, may prosthetics naman na parang pubic hair,” kuwento ng baguhang aktres.

Inamin din ng dalaga na siya mismo ang nagsabing maglalagay siya ng plaster, “Ako talaga ang nagsabi na baka puwedeng mag-plaster, kasi puro lalake ang crew namin. Ayoko naman na parang expose na ako sa mga mata nilang lahat,” ani Phoebe.

Anyway, ibinuking ni Phoebe na base sa love scene nila ni AJ ay naramdaman niyang bagito palang ang aktor, “Hindi ko alam sa kanya. Pero, ang mga nagiging kasama ko kasi sa love scene, puro baguhan din, eh. Parang ako ang tagabinyag nila,” tumawang sabi ng dalaga.

Sa madaling salita, bininyagan ni Phoebe si AJ, “No naman! Ha! Ha! Ha! Si AJ, sa love scene, out of 100, mga 95 siya. Ganu’n na siya kagaling sa love scene. Hindi kasi awkward at all. Para kaming loveteam, eh. Naipakita namin ang emotion na nagmamahalan kami.”

At dahil love scene at walang aircon ang bahay nila kaya parehong pawisan sina AJ at Phoebe, “Ang init ng location, kaya basang-basa kami ng pawis. Wet and wild talaga. Kasi, if you see it, all out talaga kami. Kailangan mukha kaming hayok, eh,” kuwento ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Double Barrel” sa Agosto 2 nationwide mula sa Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending