Nadine naimpluwensyahan na ni James, wala nang paki sa tradisyong Pinoy | Bandera

Nadine naimpluwensyahan na ni James, wala nang paki sa tradisyong Pinoy

Cristy Fermin |July 10,2017
facebook
share this

Nadine naimpluwensyahan na ni James, wala nang paki sa tradisyong Pinoy

Cristy Fermin - July 10, 2017 - 12:01 AM

EWAN kung pinag-isipang mabuti ni Nadine Lustre ang kanyang deklarasyon na normal na lang ngayong panahon ng milenyal ang pakikipag-live-in.

Hindi niya sinagot nang diretso ang tanong kung totoo bang nagsasama na sila ni James Reid sa ilalim ng isang bubong, sa halip ay idinepensa niya ang sitwasyon, ano naman daw ang masama kung totoo ‘yun?

Ang ibinigay niyang sagot ay pinagpipistahan ngayon sa social media, maging sa opinyon ng mga manunulat ay hindi maganda ang pagkatanggap sa kanyang sinabi, hindi na nga naman lumalabas na magandang impluwensiya sa kanyang mga tagahanga si Nadine.

Mga kabataan pa naman ang karamihan sa mga tagasuporta nila ni James Reid, pero ang pagkakasabi niya sa normal na lang ang pakikipag-live-in ngayon ay may kakambal na maling hudyat, hindi ‘yun dapat isapuso ng kanilang mga tagahanga.

Nabubuhay pa rin tayo sa isang lipunan na konserbatibo, kasal muna bago ang pagsasama, ‘yun ang normal na tradisyong pinahahalagahan pa rin ng mas nakararami.

Sana’y mag-isip-isip muna si Nadine sa susunod tungkol sa kanyang mga sasabihin dahil du’n siya hinuhusgahan ngayon. Masyado na ba siyang naiimpluwensiyahan ni James Reid?

At bakit siya lang nang siya ang nagsasalita, bakit palaging nananahimik ang lalaki, ipinambabala ba ni James si Nadine sa mga isyung delikado?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending