Horoscope, June 28, 2017 | Bandera

Horoscope, June 28, 2017

Madam Sophia |June 28,2017
facebook
share this

Horoscope, June 28, 2017

Madam Sophia - June 28, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: May darating na magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka nang umarte-arte pa– sunggaban agad! Mapalad ang 2, 11, 25, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Dahan-dahan lang, hindi lahat ay nakukuha sa pagmamadali. Upang wag maubos ang pera, maghinay-hinay sa paggasta. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang bumigay nang kusa. Mapalad ang 3, 12, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung lagi kang nagbibigay, darating ang araway ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, baluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal na niyang hinihinging espesyal na romansa. Mapalad ang 2, 16, 28, 32, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Umalis muna sa sinilangang bayan upang makaiwas sa intriga. Sa malayong pook ka yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mami-meet ang true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Nava-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi makukuha sa kuwento ang magandang kapalaran. Upang umunlad, mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 2, 19, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag pansinin ang mga intriga, ituloy mo lang ang pagpapalago ng inyong kabuhayan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Mapalad ang 1, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Hangga’t makakaya tiis-tiis lang muna. Sa pinansiyal, tandaang “costumer is always right” upang lalong dumami ang benta. Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Yoga.” Yellow at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — May likas kang magnetismo kaya sa pinansyal ay mas makabubuting ikaw ang mag-alok ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal nang planong mag-honeymoon sa ibang bansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin mo ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Makunteto sa kasalukuyan, sa susunod na mga araw ay sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, wag nang maghangad ng mas mataas na posisyon. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45. Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Itutok ang isipan sa pagpapalago ng kabuhayan at maligayang pamilya. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung itutuon ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang. Mapalad ang 4, 13, 27, 38, 41 at 44. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Panahon na upang manalig sa future. Malapit na, makakaahon ka rin sa mga problema. Sa pag-ibig upang patuloy na lumigaya lalo pang paigtingin ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Maging maingat sa pagpili ng kasosyo at maging maingat din sa paglalagakan ng pera. Tandaan na maraming manloloko sa panahong ito. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending