Carlo nag-motor na papuntang Tarlac para sa press | Bandera

Carlo nag-motor na papuntang Tarlac para sa press

Reggee Bonoan |June 23,2017
facebook
share this

Carlo nag-motor na papuntang Tarlac para sa press

Reggee Bonoan - June 23, 2017 - 12:20 AM

CARLO AQUINO

SOBRANG napahanga kami ni Carlo Aquino dahil maski wala siyang scheduled taping para sa  TV series nilang The Better Half noong Lunes ay pumunta pa rin siya set all the way from Tarlac ng naka-motor lang.

Akala namin ay may delivery na dumating sa venue ng taping dahil naka-jacket at may bitbit na helmet ang nagmamaneho nito pero nu’ng titigan nga namin ay si Carlo pala kaya nagulat kami.

Kaagad naming tinanong kung saan siya nanggaling, sabi niya sa Tarlac daw para sa shooting ng “Goyo (Ang Batang Heneral)” produced by Tuko Films, Butchi Boy Entertainment at Articulo Uno o TBW sa direksyon ni Jerrold Tarog.

Tinanong namin kung ilang oras ang biyahe ni Carlo mula Tarlac pa-Maynila, “Mahigit two hours?” sabi niya sa amin.

Halatang puyat si Carlo kaya nag-aalala kami dahil nakamotor lang siyang bumiyahe at ang takbo niya ay, “150 speed. Hindi ako tumitigil kasi mapapagalitan ako (ng production) kapag na-late ako.”

Nitong December, 2016 lang daw nagsimulang magmotor ang Kapamilya actor. Sabi niya, “Nu’ng tinanong ko kung may taping ako today, sabi wala, kaya nagpasalamat ako kasi nga may shooting ako ng ‘Goyo’, so puyat. Tapos biglang sinabi may set visit at kailangan kong pumunta, so nagpunta ako.

Sandali lang naman siguro ito, di ba?” baling niya sa amin at sa ilan pang miyembro ng entertainment press na bumisita sa taping ng The Better Half.

Halatang hindi pa makakain ng tanghalian si Carlo maski gutom na gutom na dahil sa sobrang pagod at init na sinagupa niya sa daan.

At para makauwi na siya agad ay inumpisahan na namin siyang tanungin tungkol sa The Better Half habang kumakain siya. Bukas, ang kabuuan ng aming panayam kay Carlo tungkol sa kanilang serye at iba pang isyu sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending