Ivan Dorschner nag-number 1 sa online voting para sa ka-Meant To Be ni Barbie | Bandera

Ivan Dorschner nag-number 1 sa online voting para sa ka-Meant To Be ni Barbie

Jun Nardo |June 22,2017
facebook
share this

Ivan Dorschner nag-number 1 sa online voting para sa ka-Meant To Be ni Barbie

Jun Nardo - June 22, 2017 - 12:05 AM

PAPALAPIT na ang judgment day sa apat na boys ng Meant To Be (sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner) para malaman kung sino sa kanila ang ka-meant to be sa finals ni Barbie Forteza.

Tapos na ang voting on-line ng mga fans. Nagpasalamat na nga si Jak sa 420,000 netizens na bumoto sa kanya para makatuluyan ni Barbie sa finale ng MTB.

Walang post sina Ken, Ivan at Addy kung ilang boto ang nakuha nila mula sa mga netizens. May tsismis nga lang na sa latest tally, si Ivan ang nakakaungos sa apat, huh!

Of course, hindi lang boto ng fans ang basehan ng magiging last man standing sa piling ni Barbie, huh! Wait pa rin naman sa desisyon ng GMA management kung sino ang winner sa puso ni Billie (Barbie).

Bukas, may nanalo na sa puso ni Billie!

Samantala, sa isang interview naman kay Barbie, meron siyang hiling sa mga tumutok sa kanilang serye, “Sana hindi ako matandaan ng tao bilang malanding tao na may apat na manliligaw.

“Sana maalala ako bilang versatile actress na kayang magdala ng apat na love teams,” pakiusap pa ng Kapuso Drama Princess.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending