Elmo inatake ng nerbiyos nang maaksidente si Janella | Bandera

Elmo inatake ng nerbiyos nang maaksidente si Janella

Reggee Bonoan |June 20,2017
facebook
share this

Elmo inatake ng nerbiyos nang maaksidente si Janella

Reggee Bonoan - June 20, 2017 - 12:05 AM

CURIOUS kami kung anong klaseng horror movie ang “Bloody Crayons” ng Star Cinema sa ilalim ng direksyon ni Topel Lee.

Ito’y pinagbibidahan nina Janella Salvador, Elmo Magalona, Jane Oineza, Maris Racal, Empoy Marquez, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Sa pagkakaalam namin, mahigit isang tao na itong ginagawa ni direk Topel at hindi pa rin matapus-tapos dahil medyo mahirap daw talagang gawin ang mga highlights ng pelikula, ayon mismo sa aming source.

Tapos nabalitaan pa naming nagkaroon ng minor accident si Janella sa shooting, ipinakita pa nga niya na namamaga ang noo niya sa litratong ipinost ng kanyang handler. Nadala naman daw kaagad sa ospital ang dalaga at okay na raw uli ito ngayon.

Sa panayam kay Janella ng ABS-CBN News, sinabi nitong, “We were filming kasi with harness. I have a bukol here right now, natago lang ng make-up.

“Nasagi siya ng harness and it’s made out of metal kaya medyo malakas ang impact. Di ko nga napansin na may bukol ako until they told me na, ‘Ano ‘yan?’ Du’n ko lang nakita,” aniya pa.

Wala naman sa set ng “Bloody Crayons” ang ka-loveteam ni Janella na si Elmo kaya sobrang nag-alala ang binata nang malamang naaksidente ang dalaga.

Ani Elmo, “Kung may shooting lang ako kahapon kiniss ko na lang para mawala yun, I was really worried. Konti na lang pupunta na ako sa set talaga.

“Gusto ko ngang pumunta sa set agad, e, para lang makita kasi she told me nga what happened. Siya mismo nagsabi sa akin na may nangyari sa eksena nila.

“Akala ko noong una, make-up siya kasi di ba, nowadays mukhang totoo na yung make-up. So nu’ng ipinakita niya akala ko make-up, yun pala it was really an injury,” kuwento pa ni Elmo.

Say pa ng aming source, hindi raw maiiwasan na magkaroon ng aksidente sa set lalo na’t maraming props ang kailangan sa pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kanya-kanyang highlight daw ang mga artista kaya hindi lahat ay magkakasama sa bawat araw ng shooting tulad nga ng nangyari kay Janella na solo lang niya ang eksena at wala si Elmo.

Kaya maski na may teleseryeng ginagawa ang bawa’t cast ay hindi naman nakakaapekto masyado sa shooting ng “Bloody Crayons” tulad nina Sofia at Diego na ngarag din sa taping ng afternoon serye na Pusong Ligaw bilang sina Potpot at Vida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending