Daniel, Kathryn buwis-buhay ang mga eksena sa La Luna Sangre | Bandera

Daniel, Kathryn buwis-buhay ang mga eksena sa La Luna Sangre

Alex Brosas |June 08,2017
facebook
share this

Daniel, Kathryn buwis-buhay ang mga eksena sa La Luna Sangre

Alex Brosas - June 08, 2017 - 12:05 AM

MAY pressure kay Kathryn Bernardo ang pagbibida nila ni Daniel Padilla sa La Luna Sangre.

“Nararamdaman ko ang pressure, sobrang nakakakaba lalo na bago sa amin ito. Nag-a-adjust pa talaga kami. Ang tagal naming hinintay ito ni DJ. Dapat gagawin siya after Got To Believe tapos biglang na-adjust. More on excitement ang napi-feel ko sa project na ito,” say ni Kath.

Hindi siya makapaniwala sa laki ng kanyang role bilang anak nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa fantaserye.

“Actually, nagulat nga ako nu’ng sinabi nila na ako ang magiging anak (nina Angel at John Lloyd) kasi si DJ ay normal na tao.

Masaya ako na ako ang napili for the role. From Lobo to Imortal, aware ako kung gaano kalaki ang dalawang project na ‘yon para i-continue ‘yung sequel na ‘yon,” say niya.

May physical demands ang kanyang role kaya naman may martial arts training siyang pinagdaanan. Happy siya na alagang-alaga siya ni Daniel during training.

“Yung pag-alaga, nandoon ‘yun parati. During training, siya ang nagtuturo sa akin, nagko-comment sa akin sa aking form, ‘yung sipa ko para hindi awkward.

“Open talaga ako na i-correct ni DJ sa lahat. Mas marami akong training sa kanya pero parang ang bilis, parang natural sa kanya. Inalagaan niya talaga ako,” Kath added.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending