Kris, Rafael, Ryan 'naghipuan' daw, napalaban sa matinding love scene | Bandera

Kris, Rafael, Ryan ‘naghipuan’ daw, napalaban sa matinding love scene

Ervin Santiago |June 08,2017
facebook
share this

Kris, Rafael, Ryan ‘naghipuan’ daw, napalaban sa matinding love scene

Ervin Santiago - June 08, 2017 - 12:01 AM


“NAGHIPUAN” sina Kris Bernal at Rafael Rosell sa sensuality workshop na ginawa nila bilang preparasyon sa mga sensitibong eksena nila sa bagong afternoon series ng GMA na Impostora.

Ayon kay Kris, nu’ng una raw ay talagang nahihiya siya sa mga halikan at love scene nila ni Rafael, pati na rin sa isa pa niyang leading man na si Ryan Eigenmann, dahil first time nga niyang magpapaka-daring sa isang teleserye.

“Nag-workshop naman kami. Nu’ng workshop namin, more on physical activities, so talagang nag-try kaming mag-make touch and all sa sensitive parts. Hindi naman talaga sa pinaka-sensitive, pero ‘yun parang wala lang din, haplos-haplos. Pero magaling itong si Raf,” natatawang chika ni Kris sa nakaraang presscon ng Impostora.

Sey naman ni Rafael, abangan na lang daw ng viewers kung hanggang saan umabot ang kanilang love scene ni Kris, “Basta may mga nuances doon na hindi ko in-expect. Nu’ng pinanood ko nangyari pala, so para sa akin nag-blank out ako nu’ng nag-action. Tapos nu’ng nag-cut bumalik na ko sa sarili ko.”

Hirit naman ni Kris kay Ryan Eigenmann, “Si Ryan, ito mas magaling talaga. Pareho, pero si Ryan kasi talagang alam na niya kung paano gawin yung mga love scenes, so parang di ako umarte.

“So kahit di na ako magbigay, sa acting niya pa lang kitang-kita na intense yung love scene,” pahabol pa ni Kris.

Ang reaksiyon naman ni Ryan, “I guess marami-rami na rin akong nadaanan na love scenes so I guess mas madali na in a way, kasi alam mo na ang direksyon kung saan dadalhin, especially malaki rin naman ang naitulong ng workshop na ginawa namin para mawala ang mga apprehension sa isa’t isa.

“Doing all these, is for entertainment and whatever happens there, it’s there. At the end of the day, it’s just another job,” aniya pa.

Dalawang karakter ang gagampanan ni Kris sa serye kaya talagang challenging ang bawat eksena niya. Bilang si Nimfa, pinapangit siya rito na magbabago ang mukha dahil sa tulong ng surgeon na si Jeremy (Ryan).

Makikilala niya si Rosette, ang lover ni Jeremy at asawa ni Leandro (Rafael). Kinopya ni Jeremy ang mukha ni Rosette at ginawang kamukha si Nimfa para ito ang magpanggap na asawa ni Leandro nang sa gayon ay makaalis na sila ng Pilipinas at ipagpatuloy ang kanilang relasyon sa ibang bansa.

Sa pagdaan ng panahon, natutunan nang mahalin ni Nimfa si Leandro at ang mga anak nito ngunit magbabalik si Rosette para bawiin ang lahat sa kanya. Dito na magsisimula ang panibagong kalbaryo sa buhay ni Nimfa. Ipaglaban kaya niya ang pagmamahal kay Leandro at sa mga anak nito? Kayanin kaya niya ang mga gagawing kasamaan ni Rosette?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang Impostora sa June 19 sa Afternoon Prime ng GMA 7. Makakasama rin dito sina Assunta de Rossi, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Sinon Loresca, Aicelle Santos at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending