Luis negang-nega na sa pagpatol sa mga basher, dedma sa payo ni Ate Vi | Bandera

Luis negang-nega na sa pagpatol sa mga basher, dedma sa payo ni Ate Vi

Cristy Fermin |May 30,2017
facebook
share this

Luis negang-nega na sa pagpatol sa mga basher, dedma sa payo ni Ate Vi

Cristy Fermin - May 30, 2017 - 12:10 AM

SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ay naging paksa si Luis Manzano. Abala sa social media ang magkakaumpukan, alam nila ang mga nangyayari, kaya hindi maitatago sa kanila ang pamba-bash ngayon sa social media sa aktor-TV host.

May mga nagkomento na kakaiba ang katapangan at paninindigan ni Luis, talagang inilalabas niya ang kanyang saloobin, kung ano ang pinaniniwalaan niya ay walang kahit sinong makapipigil para ilabas niya.

Pero sa kabila ng mga nagkukuwentuhan ay mas maraming nag-aalala para kay Luis Manzano. Nanghihinayang ang mga ito sa talentong meron ang panganay ni Congresswoman Vilma Santos, damay rin sa pag-aalala sa TV host ang kanyang amang si Edu Manzano, hindi raw ba pinakikinggan ni Luis ang payo ng kanyang mga magulang?

Kilalang-kilala si Luis sa pagpatol sa kanyang mga bashers, talagang nakikipagtaltalan siya, pero ang katangiang kanyang-kanya lang at ikinakambal sa kanya ay ang pangba-body shame sa kanyang mga kalaban sa social media.

Komento ng isang nasa umpukan, “Alangan namang hindi alam ng parents niya ang mga ginagawa niya?

Of course, they are aware of that and siguro naman, e, pinapayuhan din nila si Luis na huwag masyadong namemersonal.

“Hindi kasi magandang tingnan ang mga atake ni Luis, hindi siya naka-focus sa issue ng pamba-bash sa kanya, namemersonal siya! Imagine, makipag-upakan ba sa mga taong hindi niya naman personal na kilala?

“Like ngayon, may problema na nga siya physically, pero ganyan pa rin siya. Sana, may magpayo sa kanya na tantanan na ang body shaming na ginagawa niya.

“It’s not doing him any good, masyado lang siyang nagiging negang-nega. Sayang siya, nakapanghihinayang si Luis. May mga salita tuloy na ipinakakain sa kanya na dapat, e, hindi nangyayari kung hindi siya nanghihiya ng mga bashers niya.

“Artista siya, public figure siya, lumagay sana siya sa tamang atake,” komentong sinang-ayunan ng mas nakararami sa umpukan ng mga taga-showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending