Hindi po ako marunong kumanta, sumayaw, hindi rin kagwapuhan at 'di rin po katangkaran!- Coco | Bandera

Hindi po ako marunong kumanta, sumayaw, hindi rin kagwapuhan at ‘di rin po katangkaran!- Coco

Ervin Santiago |May 24,2017
facebook
share this

Hindi po ako marunong kumanta, sumayaw, hindi rin kagwapuhan at ‘di rin po katangkaran!- Coco

Ervin Santiago - May 24, 2017 - 12:01 AM

coco martin at yassi pressman

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin makapaniwala ang Teleserye King na si Coco Martin sa dami ng blessings na patuloy na dumarating sa kanyang buhay at career.

Hindi raw talaga inasahan ng award-winning actor na mararating niya kung anuman ang estado niya ngayon sa industriya ng pelikula at telebisyon. Kaya naman, puro pagpapasalamat na lang ang ginagawa niya ngayon sa bawat araw na nagigising siya at muling makapagtrabaho.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Coco, sinabi ng binata na napakalaki ng utang na loob niya sa ABS-CBN dahil sa patuloy na tiwala at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng network, at siyempre sa lahat ng mga manonood na walang sawang sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

“Hindi ko alam na ito pala ang magiging daan para mataguyod ko ang pamilya ko. Sa pamamagaitan ng FPJ’s Ang Probinsiyano hindi lang ako gumagawa ng teleserye kundi para makapagbigay aral at gabay sa bawat Pilipino,” pahayag ng leading man ni Yassi Pressman sa isang interview.

“Ito rin po ay nagiging daan para po magkaroon ulit ng oportunidad yung dati nating mga kasamahan sa industriya,” dagdag pa ng aktor.

Noon daw ang tingin lang ng binata sa showbiz ay isang “malaking raket lang”, pero ibang-iba na raw ang pananaw niya sa mundong naging daan para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

“Kasi po hindi po ako naniniwala na may kakayahan ako. Hindi po ako marunong kumanta, hindi po ako marunong sumayaw at wala po akong alam sa pag-arte. Hindi rin po ako katangkaran, isa lang po akong normal na tao. Hindi kagwapuhan,” naniningkit pang pahayag ng Teleserye King.

In fairness, kahit sikat na sikat na at super rich na, napaka-humble pa rin ni Coco. Kung ano ang ugali niya noong una namin siyang makilala, ganu’n pa rin siya until now. Kaya hindi na nakapagtataka kung patuloy siyang inuulan ng blessings, not to mention the fact na wala rin siyang sawa sa pagtulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan.

Kaya naman sa panibagong extension ng FPJ’s Ang Probinsyano, siguradong hindi lang ang kanyang mga fans ang nagse-celebrate kundi pati na rin ang mga artistang katrabaho niya dahil ibig sabihin tuluy-tuloy din ang biyaya sa kanila, lalo na ‘yung mga artistang hindi na masyadong aktibo na nabigyan uli ng chance na makaarte sa harap ng camera.

Sa ngayon, patuloy pa ring humahataw sa ratings game ang Probinsyano na tatagal pa hanggang 2018. Last Monday, nakakuha ito ng 41.1% national TV rating. Patunay lang na si Coco pa rin ang nag-iisang Teleserye King.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending