Sylvia, Coco best actress at best actor sa KBP 25th Golden Dove
IKATLONG Best Actress award na ni Sylvia Sanchez ang kanyang tinanggap mula sa KBP 25th Golden Dove Awards noong Martes ng gabi para sa programang The Greatest Love. Ang nasabing programa rin ang nanalong Best TV Drama program.
Kinunan ni Ibyang ang Golden Dove trophy niya at ipinost sa social media na may caption na, “Sa wakas! Nahuli rin kita. Maraming, maraming salamat 25th golden dove awards, sa paniniwala sa kakayahan ko bilang artista (best actress in a tv drama program) #abscbn #gmounit #tglfamily maraming salamat.
“Sa atin lahat ang award na ito sa asawa ko at sa mga anak ko kayo ang inspirasyon ko, campo&atayde family at sa mga kaibigan ko, salamat sa dasal at pagmamahal, mama rosyline ko, nanalo ako mama, #sylvianians at#teamatayde.
“Salamat sa inyong lahat, sa walang sawang suporta, tiyaga pagmamahal at paniniwala sa akin bilang si Mama Gloria nyo, sa tanang #nasipitnon kadaug napod, tita angge, para sayo ang panalong ito at salamat sa patuloy na pagdadasal mo para akin at sa pamilya ko, love you ta a, miss kita sobra.
“At ibinabalik ko ang papuri sayo Panginoong JESUS, maraming, maraming salamat po sa lahat lahat #gmounit #tgltv #abscbn #family #happiness #grateful #treasures #priceless!”
Ang dalawang naunang award na tinanggap ni Ibyang last month ay mula sa GEMS at 15th Gawad Tanglaw.
q q q
Sa ikalawang pagkakataon naman ay muling nanalong Best Actor si Coco Martin sa 25th KBP 25th Golden Dove Awards para sa programang FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang saya-saya ni Coco dahil muli na naman siyang nakatanggap ng parangal at abut-abot ang pasalamat niya sa lahat ng staff and crew ng Dreamscape Entertainment at nangakong mas pagagandahin pa nila ang show para mas marami pa silang taong matulungan.
Nabanggit ng aktor na marami ring nakaka-relate sa programa nila at may mga natatanggap silang feedback na natutuwang muling mapanood ang mga artistang hindi na masyadong aktibo sa showbiz dahil naige-guest nila sa FPJ’s ang Probinsyano.
Samantala, painit na nang painit ang umeereng kuwento ng aksyon serye ng ABS-CBN dahil nabuking na ni Cardo (Coco) na si Joaquin (Arjo Atayde) ang pumatay sa kakambal niyang si Ador kaya lalong nanggigil ang probinsyanong pulis at nangakong pagbabayarin niya ang taong nasa likod ng pagpatay sa kapatid.
Mukhang nalalapit na ang katapusan ni Joaquin lalo’t isinuplong na siya ng sariling ina na ginagampanan ni Agot Isidro.
Anyway, umabot sa 38.9% ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes, Mayo 15 kumpara sa katapat nitong programa na nakakuha lamang ng 22%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.