Daniel kay Richard Reynoso: Pasensya na, mali siguro ako! | Bandera

Daniel kay Richard Reynoso: Pasensya na, mali siguro ako!

Ambet Nabus |May 10,2017
facebook
share this

Daniel kay Richard Reynoso: Pasensya na, mali siguro ako!

Ambet Nabus - May 10, 2017 - 12:01 AM

richard reynoso at daniel padilla

FINALLY sa aming programang “Chismax” sa DZMM Teleradyo last Sunday ay sinagot ni Daniel Padilla ang isyu sa kaniya ng OPM singer na si Richard Reynoso.

Nasa Hongkong sina Daniel at Kathryn Bernardo kasama si direk Mae Cruz para uma-attend sa special screening ng “Can’t Help Falling In Love” doon nang magsalita si Richard Reynoso against Daniel.

Sa pakikipag-usap namin ng partner kong si Gretchen Fullido, sinabi nina direk na punumpuno ang sinehan at dalawang screenings na kanilang pinuntahan.

Wala raw dudang hanggang sa Hongkong ay apektado ng powers ng KathNiel ang mga kababayan natin.

At dahil mainit na isyu ang paglabas ng opinion ng dating sikat na singer na si Richard Reynoso kaugnay ng pagharana nito sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas kamakailan, hindi namin napigilang tanungin si DJ about it.

“Ewan ko. Pasensya na siguro. Mali siguro ako. Hayaan n’yo na may opinyon naman ang lahat ng tao.

Kung ‘yun ang opinion niya wala naman tayong magagawa. Ang importante, marami po tayong napasaya,” ang maikli at simpleng tugon ni Daniel.

Sinang-ayunan pa ng King of Hearts ang komento naming, “there’s always room for improvement” kung pagiging perpekto o sakto sa pamantayan ng ibang singers ang pagbabasehan ng performance ni DJ.

q q q

Pagbalik daw nila ng bansa ay agad na sasalang sa kanilang training sina Kathryn at Daniel for their upcoming teleserye sa ABS-CBN na La Luna Sangre.

“Siguro po ay pagtutuunan namin ‘yun ng focus at effort. Hindi madali ang mga ipagagawa nilang stunts sa amin at excited kami sa training,” sambit ni Daniel.

Nang biruin namin ang binata kung umpisa na ba ito ng pagpapakita niya ng mga masel sa katawan o pagiging “hunk”, natawa ang bagets at sinabing, “May ganu’n po Kuya Ambet? Hindi pa naman siguro soon, pero tingnan natin. Yung stunts at mga action scenes ang pagtutuunan natin ng focus. Sasabay na lang siguro yung pagpapaganda ng katawan.”

At dahil magiging busy nga sila sa La Luna Sangre, yung next movie project nila ay isasantabi muna though napag-uusapan na nga raw nila nina direk Mae ang mala-historical drama love story na babagay sa kanila ni Kath.

“May mga usapan na tungkol diyan. Exciting ang concept pero lagi naman pong welcome sa atin ang mga bagong tema. Kung ano naman po ang ibibigay sa atin sisikapin nating gawin,” sey pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil nasa Hongkong nga ang magka-loveteam on and off cam, sinegue namin kung nagkaroon ba sila ng chance na makapag-shopping lalo’t this Sunday ay Mother’s Day na.

“Naku wala pong oras. Siguro diyan na namin paplanuhin ang Mother’s Day. Simpleng dinner o salu-salo po siguro at baka i-surprise na lang namin sila,” pakorus na sabi ng KathNiel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending