Jed inintriga nang pumunta sa ‘Moving Up’ ni Darren Espanto | Bandera

Jed inintriga nang pumunta sa ‘Moving Up’ ni Darren Espanto

Ambet Nabus |April 27,2017
facebook
share this

Jed inintriga nang pumunta sa ‘Moving Up’ ni Darren Espanto

Ambet Nabus - April 27, 2017 - 12:30 AM

jed madela at darren espanto

ANO nga ba namang masama kung pinuntahan ni Jed Madela ang Moving Up Ceremony ni Darren Espanto at nakipamilya rin ang magaling na singer sa mga kaibigan at totoong pamilya ng young artist?

Magkaibigan naman sila at aminado naman si Jed na nagpapatulong sa kanya ang bagets sa mga sistema sa pagkanta at concert events, kaya’t hindi naman siguro pagtatakhan kung pati sa mga non-showbiz activities ni Darren ay makita siya?

Mabuti na lamang at hindi dinededma ni Jed ang mga ganu’ng pahaging ng mga bashers nila dahil kung hahayaan nga naman nila ito ay baka manganak pa nang manganak ang mga malilisyosong isyu.

Ang dami kasing marurumi ang utak at mga pakialamero sa mundong ito, e! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending