Marian balik-Encantadia, itim na ang costume | Bandera

Marian balik-Encantadia, itim na ang costume

|April 26,2017
facebook
share this

Marian balik-Encantadia, itim na ang costume

- April 26, 2017 - 12:25 AM

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

TUWANG-TUWA ang mga loyal DongYan fans nang magbalik na sa Encantadia ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nang ipakita ang teaser ng pagbabalik ni Marian sa Encantadia ay iba na ang suot nitong costume. Sa pagsisimula ng nasabing fantasy serye ng GMA 7, ginampanan ng misis ni Dingdong Dantes ang karakter ni Ynang Reyna Mine-a ngunit sa pagbabalik nito ay iba na nga ang kanyang karakter.

Sa teaser, ipinakitang may kasama ng grupo ng mga Etherian at Hathor warriors. Itim na rin ang costume ni Marian na nagpapahiwatig nang paghihiganti. Hindi na rin Ynang Reyna, Mine-a ag kanyang pangalan kundi Hara Mine-a na, ang bagong tawag sa reyna ng isa sa mga kaharian sa Encantadia.

Ayon sa ilang social media followers ng programa, maaaring si Hara Mine-a na ang maging reyna ng mga Ether at mga Hathor matapos mapatay si Hara Avria (Eula Valdes).

Ang paniwala ng mga Encantadiks, posibleng si Hara Mine-a ang susunod na makakalaban ng kanyang mga anak na sina Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro), Alena (Gabbi Garcia), at Hara Danaya (Sanya Lopez).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending