Sharon: 'Goodbye Gabby, hello Robin!' | Bandera

Sharon: ‘Goodbye Gabby, hello Robin!’

Reggee Bonoan |April 09,2017
facebook
share this

Sharon: ‘Goodbye Gabby, hello Robin!’

Reggee Bonoan - April 09, 2017 - 12:05 AM

robin padilla at sharon cuneta

KUMPIRMADONG hindi na tuloy ang reunion movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ngayong 2017 na dapat sana ay kukunan na ngayong Abril under direk Cathy Garcia Molina.

Sa isang post sa Instagram nabasa namin ang, “Statement of Gabby Concepcion on pending reunion movie with Sharon Cuneta. Released April 6, 2017 thru Therese Ramos, Gabby’s manager.

“Gabby Concepcion has always wanted to do a movie with Sharon Cuneta. However due to his tight schedule and current commitments it will not be possible anytime soon. We will study our option in 2018.”

Kaagad itong nakarating kay Sharon kaya humingi na rin siya ng dispensa sa mga nag-aabang ng balik-tambalan nila ng dating asawa.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang Facebook account, “Thanks for all your prayers and I am sorry it’s not pushing through.”

Pero nabanggit naman ng Megastar na may iba siyang movie project na gagawin sa Star Cinema, “But please be happy for me — because I am very happy with my new project which Star Cinema is now preparing! God bless us all. Good night and love you guys!”

Walang binanggit si Sharon kung sino ang makakasama niya, pero may duda kami na baka naman si Robin Padilla ang makakasama niya dahil kamakailan ay nakausap ng ABS-CBN News ang aktor at tinanong siya kung open ba siyang makasama uli si Mega sa pelikula.

Kaagad naman itong inoohan ni Binoe dahil malaki raw ang utang na loob niya sa kanyang Ma’am Sharon.

Baguhan pa lang daw kasi siya noon sa showbiz pero pumayag na si Sharon na makasama siya sa pelikula, ang “Maging Sino Ka Man” (1991) na naging blockbuster, dito na nga mas lalong umingay ang pangalan ni Robin.

Nasundan pa ito ng mga “Di Na Natuto” at “Pagdating Ng Panahon” na pareho ring nag-hit sa takilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending