Doktor ng mahihirap vs DOH chief | Bandera

Doktor ng mahihirap vs DOH chief

Ramon Tulfo |April 08,2017
facebook
share this

Doktor ng mahihirap vs DOH chief

Ramon Tulfo - April 08, 2017 - 12:10 AM

SI Dr. Hildegardes “Heal” Dineros, bagong hirang na president at CEO ng PhilHealth, ay nagtatangkang alisin ang gawain ng maraming doktor na dayain ang ahensiya sa pamamagitan ng fraudulent or false claims.

Ilang opisyal o empleyado ng PhilHealth ang kasabwat ng maraming doktor na singilin ang ahensiya ng bayad kahit na wala namang silang ginamot na pasyente na PhilHealth member.

Bilyon-bilyong piso ang nawawala ng PhilHealth dahil sa nasabing tiwaling gawain ng maraming doktor.

Ang unang ginawa ni Dineros ay i-reshuffle ang ilang key PhilHealth personnel.

Bilang paggalang o courtesy, sinabihan ni Dineros si Health Secretary Paulyn Ubial bilang ex officio chairman ng PhilHealth, sa kanyang ginawang balasa kahit na hindi ito kailangan.

Nagulant si Dineros sa sagot sa kanya ni Secretary Ubial.

Hindi dapat ginawa ng PhilHealth chief na balasahin ang ahensiya, ani Ubial, dahil ito’y “disruptive” o nakasasagabal.

Pero ang masakit na sinabi niya kay Dineros ay: “Besides, we are not sure if you will stay on or be replaced shortly.”

Parang nagbabanta si Ubial.

Parang siya ang naglagay kay Dineros sa puwesto.

Inapoint ni Pangulong Digong si Dineros bilang isa sa mga directors ng PhilHealth Board at ang kanyang kasamahang directors ang bumoto sa kanya na maging president at CEO.

Kilala si Dineros sa kapwa niya mga doktor bilang “doctor of the poor” o doktor ng mga mahihirap dahil sa kanyang mga di na mabilang na medical missions sa mga liblib na lugar sa bansa bago siya na-appoint sa PhilHealth.

***

Ang sumusunod na salaysay ay nagpapakita na hindi nagtutulungan ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa paglutas sa isang criminal case.

Nagsampa ang pulisya ng Puerto Princesa ng kasong murder laban kay Jhonie Adelion, isang magsasaka, dahil siya diumano ay sangkot sa pagpatay kay Alex Ongchocgan, isang negosyante.

Naglagay ng pabuya na P1 milyon ang pamilya ng biktima sa paglutas ng kaso.

Naging masipag ang mga pulis sa pag-imbestiga kung sino ang pumatay dahil sa pabuya.

Kumuha sila ng tatlong testigo laban kay Adelion.

Di kalaunan, inatras ng tatlo ang kanilang mga salaysay laban kay Adelion.

Sa hindi malamang dahilan ayaw hawakan ng Puerto Princesa city prosecutor ang kaso at ipinasa ito sa regional state prosecutor sa San Pablo City sa Laguna.

Upang patunayan na siya nga ang salarin, iti-nuro niya ang lugar kung saan ang lugar ng pagpaslang.

Samantala, inaresto ng NBI ang isang Arnulfo Fernandez sa pagpatay kay Joanna Chang dahil sa isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ambrosio de Luna.

Habang nasa kustodiya si Fernandez, inamin nito na siya rin ang pumatay kay Ongchocgan.
Upang patunayan na siya ang salarin sa Ongchocgan murder case, itinuro ni Fernandez kung saan niya itinago ang mga baril na ginamit niya sa pagpatay kina Chang at Ongchocgan: isang .38 caliber revolver at isang .357 magnum revolver.

Pinatotohanan ng isang nagngangalang Ramil ang pag-amin ni Fernandez.

Sinabi ni Ramil sa mga imbestigador na siya ang nagmaneho ng motorsiklo na sinakyan ni Fernandez palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Dahil sa pag-amin ni Fernandez, inimbitahan ng NBI-Palawan si Senior Supt. Ronnie Francis Cariaga, hepe ng pulisya ng Puerto.

Sinabi ng mga NBI na si Fernandez ang tunay na salarin sa pagpatay kay Ongchocgan base sa kanyang sinumpaang kumpisal.

Kinampihan ni Cariaga ang pinaninindigan ng kanyang mga tauhan na si Adelion ang salarin.

Samantala, pumunta sa aking opisina si Adelion, na hindi pa nakukulong dahil wala pang warrant of arrest sa kanya, at humingi ng tulong.

Naglulumuhod siya na tulungan siya ng Isumbong mo kay Tulfo na huwag siyang makulong sa isang kasalanan na hindi niya ginawa.

“Sir, parang awa mo na, hindi po ako ang pumatay,” sabi ni Adelion.

***

Bakit ayaw maniwala ni Cariaga sa NBI na si Fernandez—at hindi si Adelion—ang pumatay kay Ongchocgan?

Nabubulagan ba siya dahil sa P1 milyong pabuya?

Gusto ba ni Cariaga na ikulong ang taong walang kasalanan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lupit naman niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending