Shaina nasaktan sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Piolo: Bakit ba nilalagyan ng malisya? | Bandera

Shaina nasaktan sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Piolo: Bakit ba nilalagyan ng malisya?

Reggee Bonoan |April 08,2017
facebook
share this

Shaina nasaktan sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Piolo: Bakit ba nilalagyan ng malisya?

Reggee Bonoan - April 08, 2017 - 12:05 AM

PIOLO PASCUAL AT SHAINA MAGDAYAO

PIOLO PASCUAL AT SHAINA MAGDAYAO

SAAN nga ba nagmula ang “5 years exclusively dating relationship” nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao? Ito kasi parati ang tinatanong sa dalawa sa tuwing makakapanayam sila ng media.

Kay Piolo namin unang narinig na limang taon na silang exclusive na nagdi-date ni Shaina, pero nitong huling makausap ang aktres ng Cinema News ay iba naman ang paliwanag niya, baka misquoted lang daw ang aktor.

Bungad ni Shaina, “Yung five years na ‘yan, na na-misquote siya sa TV Patrol, let me be very honest, kasi this is the first time that I’m gonna talk about it.

“Kasi nga, parang it was blown out of proportion. When he was interviewed, it was Valentine’s Day, and I really felt bad kasi mukhang naidamay lang kami sa hype dahil nga sa makukulit na mga tao. I don’t know if you’re all excited na magkaroon kami ng kanya-kanyang relationship.

“I remember, it was February 14 na parang episode ng TV Patrol, na sinabay kami sa mga official talagang magbo-boyfriend-girlfriend. So, kami naman, helpless, wala na, nasa headlines na kami. I really felt bad, kasi may mga bersiyon na nag-iimbento o saan nanggagaling yung five years na yun.

“But, you know, let me make it very clear, yung five years na yun, we talked about that twice in passing. We were in Malaysia, tapos may nag-tag na parang magpa-five years na. Sabi niya sa akin, ‘Magpa-five years na.’

“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, five years na since ASAP Singapore!’ So, du’n nagsimula yun. Sabi ko, ‘Seriously, limang taon na yun, limang taon na yung nakalipas.’

“Sabi niya, ‘Oo, almost five years na, according to this posts and pictures.’ Du’n namin nakuha na parang, ‘Okay, it’s been five years that we’ve been there for each other.’ Du’n nagsimula yun, and ito yun, ito talaga ang conversation namin.

“Sabi ko, ‘Wow, in all fairness, ha, magpa-five years na.’ So, when he said that, and it was edited in a wrong way, nagmukha tuloy malisyoso and I really felt bad,” sabi pa ni Shaina.

At dahil nga namali raw ang intindi kaya in-assume na limang taon na sila na hindi lang opisyal na magkarelasyon. Nabanggit pa raw ni Shaina kay Piolo na, “‘You know, time will come na I’ll defend you,’ sabi ko sa kanya. Ako, I’ll clear that, ako ang bahala diyan sa five years na ‘yan.’

“Kasi, hindi naging maganda, kasi at the same time, sinasabi nila sa kanya at sa akin din na five years, it’s been five years. I’ve been telling you na wala, na I’m single, tapos may five years.

“Kung alam lang nila kung saan nagmula yung five years na term, at kung gaano siya actually kaganda that five years na kami, na we’re always there for each other according to that fan, to that post, tapos minamasama, nilalagyan ng malisya ng mga tao.

“I felt na di maganda yun, and it’s unfair for the two of us. Pero lahat ‘yan may rason, lahat ‘yan may pinanggagalingan. Ayoko lang nadudumihan yung foundation namin, kasi our foundation is our friendship.

“It’s just sad kung paano siya unang pumutok, kung paano siya unang lumabas, but I hope this enlightened everyone,” dagdag paliwanag pa ng aktres.

Anyway, hindi lang sa isyu with Piolo mainit si Shaina, pati sa mga eksena niya sa seryeng The Better Half kasama sina Denise Laurel, JC de Vera at Carlo Aquino.

Base sa ipinakitang teaser ng The Better Half ay may nagsabi na kay Marco (Carlo) na siya ang unang asawa ni Camille (Shaina) bago si Rafael (JC) bagay na ipinagtaka nito kaya nagtanong siya sa nakilalang asawang si Bianca (Denise) na siyempre itinago pa rin ang katotohanan.

Sa apat na bida ng serye ay namumukod tanging si Carlo lang ang walang alam sa mga nangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina Denise at JC kasi ay magkakuntsaba na dahil nga pareho nilang mahal ang mga asawa nila at si Shaina naman ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal sa dating asawa na nagbabalik na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending