Dating TV host-model kinasuhan ni Vina, ipaglalaban ang karapatan | Bandera

Dating TV host-model kinasuhan ni Vina, ipaglalaban ang karapatan

Reggee Bonoan - March 29, 2017 - 01:10 AM

VINA MORALES, MARC LAMBERT AT AVI SIWA

VINA MORALES, MARC LAMBERT AT AVI SIWA

NAGSAMPA noong Marso 13, 2017 ng mga kasong “Unjust Vexation” at Libel (under Section 6 of Republic Act No. 10175 also known as the Cybercrime Prevention Act of 2012) sa Quezon City Hall of Justice si Vina Morales laban sa dating TV host-model na si Avi Siwa.

Kasama ng aktres na nag-file ng demanda ang kanyang legal counsel na si Lucille Sering, dating Undersecretary ng DENR.

Si Avi ay ex-girlfriend ng boyfriend ni Vina ngayon, ang French businessman na si Marc Lambert. Simula noong nakarelasyon ni Vina si Marc siniraan na diumano ni Avi ang singer-actress sa social media at pinagbintangang inagaw sa kanya ang dating BF.

Sinabi pa ng TV host-model na hindi nadadalaw ni Marc ang kanilang anak at kulang na ang ibinibigay nitong sustento.

Nag nagde-demand pa si Avi kay Marc ng bahay at kotse bagay na hindi sinunod ni Marc kaya lalong nanggalaiti sa galit si Avi.

Lalo pang lumala ang galit ni Avi kay Vina kapag nakikita niyang kasama nito ang dating karelasyon kaya anu-anong sinasabi nito laban sa aktres.

Matagal na naming hiningan ng komento si Vina tungkol sa mga sinasabi ni Avi, pero panay ang tanggi niya at ayaw na raw niya itong patulan.

Hanggang sa naglabas si Avi ng pekeng dokumento na nagsampa siya ng kaso laban kay Vina sa Taguig City Fiscal’s Office at may hearing na raw sila noong Peb. 14, 2017 bagay na ipinagtaka ng singer-actress dahil wala naman siyang natatanggap na subpoena.

Nakakuha ng ebidensiya si Vina sa inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na kopya ng demanda kuno ni Avi sa kanya.

Maraming nakabasa sa pekeng dokumento kaya nag-alala ang pamilya ni Vina at nakaapekto rin daw ito sa imahe at career ng singer-actress na bread and butter niya bilang single parent sa anak na si Ceana.
Nitong Marso 21 ay dalawang pulis ang kasama ng staff ng Hall of Justice na naghain ng subpoena kay Avi sa bahay nito sa Barangay Gulod Novaliches, Quezon City na siya mismo ang tumanggap. Magkakaroon na sila ng hearing sa Abril 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending