Piolo kay Jake: Isa lang ang katawan at buhay batin kaya dapat dobleng ingat! | Bandera

Piolo kay Jake: Isa lang ang katawan at buhay batin kaya dapat dobleng ingat!

Ervin Santiago |March 18,2017
facebook
share this

Piolo kay Jake: Isa lang ang katawan at buhay batin kaya dapat dobleng ingat!

Ervin Santiago - March 18, 2017 - 12:05 AM

piolo pascual

BINIGYAN ng payo ni Piolo Pascual si Jake Cuenca at iba pang celebrities na mahilig magbisekleta para makaiwas sa aksidente.

Kamakailan, nabalian ng buto sa kamay at tinahi ang baba ni Jake matapos mabangga sa isang truck habang nagbibisikleta sa MOA Grounds. Maayos na ang kundisyon ngayon ng aktor ngunit kailangan muna nitong magpahinga ng ilang araw bago muling makasabak sa trabaho.

Tulad ni Jake, active rin sa pagba-bike at iba pang sports si Piolo na ilang beses na ring naaksidente, “Ang sports kasi ruthless ‘yan eh. It keeps us healthy but it’s also very dangerous. Like ako, ang dami ko na ring injury sa ginagawa kong sports,” chika ni Piolo.

Hirit pa ng Kapamilya actor, “It pays to be careful kasi isa lang naman ang katawan natin, isa lang naman ang buhay natin. So take extra precautionary measures.”

“Marami na akong kaibigan na naaksidente sa bike. What I do is I train sa gated places, sa mga subdivision or ‘yung mga hindi masyadong maraming sasakyan,” sey pa ni Papa P sa panayam ng ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending