Amihan balik-Encantadia; Kylie matatahimik na rin | Bandera

Amihan balik-Encantadia; Kylie matatahimik na rin

|March 07,2017
facebook
share this

Amihan balik-Encantadia; Kylie matatahimik na rin

- March 07, 2017 - 12:10 AM

kylie padilla
BALIK-ENCANTADIA si Amihan sa Encantadia ng GMA. Pero obviously, hindi na si Kylie Padilla ang gaganap sa karakter ng isa sa mga Sang’gre.

Pinatay si Reyna Amihan sa Encantadia nang kainin niya ang prutas mula sa isang puno sa Devas. Ito ang dahilan kung bakit mare-reincarnate ang kanyang ivtre (kaluluwa) para mabuhay muli. Kailangan lang mahanap ang kanyang “Sarkosi” o ang reincarnated body.

At ito nga si Ariana, na gagampanan ni StarStruck 6 finalist Arra San Agustin, ang bagong tagapangalaga ng diyamante ng hangin.

Ikinuwento ni Kylie na nag-marathon siya ng mga huling episodes ng Encantadia kung saan buhay pa ang kanyang karakter bilang Reyna Amihan. At happy daw siya na magkikita-kita na rin finally sina Amihan, Ybrahim (Ruru Madrid) at anak nilang si Lira (Mikee Quintos).

Narito ang ipinost ni Kylie sa kanyang Twitter account, “I just had an enca/amihan marathon and I must say kahit gaano pa kalungkot na namatay sya, masaya ako na finally through ariana she will reunite with Ybrahim and Lira. Knowing Amihan that’s all she truly wants. So I am happy for her. Excited ako sa eksena na un, aabangan ko.

“Kasi then, kahit ako magkakaroon ng peace ng mapanood ko na si Amihan may peace narin. Sabay sabay tayong mga nag mahal kay Amihan,” sabi pa ni Kylie.

Narito ang huling tweet ng fiance ni Aljur Abrenica para sa mga Encantadiks, “Ecantadia’s whole team has been working so hard, I am thankful that they also want Amihan to find the peace she deserves. #abangan yan!”

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng Encantadia na napapanood pa rin after 24 Oras, nagkaroon nga ng komprontasyon sina Pirena at Azulan dahil hindi ginagalang ni Azulan ang pagiging pinuno ni Pirena dahil ito ay babae. Nauwi sa mano manong suntukan ang dalawa.

Nagtungo sina Danaya, Alena, at Ybrahim sa Etheria para subukang itakas ang mga bihag. Mapapalaban sila. Sa gitna ng suntukan nina Azulan at Pirena ay aawatin sila ni Imaw. Magpapatuloy naman ang labanan sa pagitan nina Danaya, Alena, Ybrahim, at Avria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending