Sam Milby: Nakaka-relate ako kay Jackie Chan, halos pareho kami! | Bandera

Sam Milby: Nakaka-relate ako kay Jackie Chan, halos pareho kami!

Reggee Bonoan - February 06, 2017 - 12:20 AM

SAM MILBY

SAM MILBY


MAY girlfriend na si Sam Milby pagkalipas ng anim na taon ng pagiging single kaya muli siyang makaka-experience ng Valentines date.

Aminado ang leading man ni Julia Montes sa Doble Kara na medyo naninibago siya ngayon dahil nga ilang taon din siyang walang dine-date kapag Araw ng mga Puso.

“It’s very different now kasi buong buhay ko before, after six years, sanay ako na may relationship ako, so habang tumatagal ‘yung six years, parang medyo nasanay din ako na single ako.

“Single ako pero may mga dine-date ako, what I mean wala akong girlfriend talaga that time. But ngayon na may in-introduce akong ‘this is my girlfriend’ parang nanibago ako roon but it’s a good feeling. But yeah nanibago ako.

I went through six years na walang Valentine’s day so, it’s a date talaga,” say ni Sam.

Aalis muna si Mari Jasmine ngayong unang linggo ng Pebrero dahil may show ito sa Paris, France kasama rin si Kim Jones na asawa ni Jericho Rosales kaya tinanong namin si Sam kung paano at saan nila ise-celebrate ang Araw ng mga Puso.

“Yes, dito, I think so. She’ll be gone on the first week of February and I think, she’ll be here na,” say ng aktor.

Dagdag pa ng binata, “I hope we can have a special day, I don’t wanna share you know the plans what we gonna do. But yeah, I just hope to enjoy the Valentines Day, a great day. Sana walang trabaho. Ha-hahaha!”

Sabi namin na wala na kasi sa Peb. 4 na ang last taping day ng Doble Kara at sa Peb. 10 naman ang huling airing nito sa ABS-CBN.

Samantala, inabot nang isang taon at kalahati ang Doble Kara at pagkalipas nang dalawang buwan naman ng mapasok si Sam at sobra siyang masaya dahil ang saya-saya raw ng buong cast sa set.

Tinanong si Sam kung paano ka-trabaho si Julia Montes na leading lady niya sa DK, “Masaya siyang ka-trabaho, okay kami. Medyo nai-intimidate lang ako pag siya na si Sara, pero pag siya si Kara, kumportable ako,” tumatawang sabi ng aktor.

Naikuwento rin ni Sam na mas madalas na nga raw siya sa set ng Doble Kara kaysa umuwi sa condo unit niya sa Taguig City.

“Nasanay na ako sa Acosta’s house, it’s a learning experience with them. 11 years na ako sa business at first time ko maka-work sina Julia, direk Manny (Palo) at sa iba rin. This is one of the longest teleserye I made, hindi ko alam kung ano ang mas matagal sila ng Maging Sino Ka Man. Parang parehas lang,” sabi ng aktor.

q q q

Sa loob ng 11 years ay napansin ba ni Sam na may nabago na sa acting niya at pagsasalita ng Tagalog.

“Siguro mas naging kampante ako sa Tagalog, but iyon pa rin ang mahirap para sa akin kasi hirap akong i-express ‘yung sarili ko pag Tagalog. So pag medyo mabibigat ang eksena, lalo na pag galit, napi-pressure ako, iyon din ang struggle ko rito kahit matagal na ako sa Doble Kara, naging hard ako sa sarili ko, pressured ako.

“Kaya nagpapasalamat ako sa directors, sa co-actors ko, sa patience nila sa akin lalo na sa mga eksenang nahihirapan ako,” paliwanag ng binata.

Galing na rin naman sa aktor na hirap pa rin siyang magsalita ng Tagalog kaya tinanong namin kung bakit hindi pa rin siya sanay gayung matagal na siyang naninirahan dito sa Pilipinas.

“It’s still hard. Late rin ako nag-start matuto, I was 21, and growing up not doing (nagsasalita) any language and wala akong experience sa ibang language.

“Actually, nakaka-relate ako sa bagong movie ni Jackie Chan na ire-release ng Star Cinema, matagal na siya sa States, ilang movies na rin ang nagawa niya, pero ‘yung nag-i-English pa rin siya, nakikita ‘yung hirap niya and I really relate to him in that way. If you want to express yourself, ‘yung struggle ko na may gusto akong sabihin, pero may duda kung tama ba ‘yung sinasabi ko. Kaya napapatigil ako.

“Pag nasa set ako, tapos may script, mas iniisip ko ‘yung script. Usually pag aktor normally, you study the script and that’s natural sa ‘yo kasi iyon ang lengguwahe mo. Ako baligtad, kasi ako I have to memorize the script at hindi galing dito (sa puso) kundi dito (sa utak) kasi mas iniisip ko ‘yung meaning. At gusto kong sabihin iyon sa tamang pagbigkas, you know what I mean?

“Minsan mas nauuna ‘yung kaba ko kung tama ‘yung sasabihin ko kaya natitigilan ako minsan.
“Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa co-actors ko because they’re very supportive, the directors also and their patience. Sometimes it takes time talaga, at the start may kasama akong tutor sa set. I feel that I improved a lot naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tulad ni Jackie Chan, it’s really hard for me to express and to act out ‘yung todong emosyon pag laging language ang iniisip ko o ‘yung linya imbes na,” pahayag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending