Kilig love story nina Nadine at James nagsimula sa away sa premiere night | Bandera

Kilig love story nina Nadine at James nagsimula sa away sa premiere night

|January 24,2017
facebook
share this

Kilig love story nina Nadine at James nagsimula sa away sa premiere night

- January 24, 2017 - 12:05 AM

nadine lustre at james reid
NATATANDAAN n’yo pa ba ang balita noon tungkol sa pag-aaway ng reel and real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre sa ginanap na premiere night ng isang pelikula ng Viva Films?

Alam n’yo ba na isa raw ito sa mga hindi malilimutang eksena ng dalawang Kapamilya stars sa kanilang relasyon bilang magka-loveteam and eventually nga bilang magdyowa.

Isang video ang kumalat sa social media noong 2015 na kuha sa premiere night ng pelikulang “Wang Fam” nina Pokwang at Benjie Paras kung saan mapapanood sina James at Nadine na tila may hindi pagkakaintindihan.

Sa Gandang Gabi Vice last Sunday, ikinuwento nina James at Nadine ang tunay na nangyari that night. Ayon sa dalaga, nagsimula silang mag-away ni James nang ma-late siya ng dating sa premiere night.

Ayon kay Nadine, “Na-late kami parehas, pero nauna siyang dumating. So pagdating ko du’n, galit na galit siya. ‘Yun pala kasi inaantay na dumating kami bago mag-start (yung movie).”

Hirit naman ni James, “So, galit ako. And I said, ‘I hope it’s worth it.’ Kasi I felt embarrassed that everyone was waiting for us in the cinema. They wouldn’t play the movie until we got there so I felt embarrassed for both of us.”

Ngunit ayon sa dalawa, ang nasabing insidente ang naging hudyat para mag-level up ang kanilang loveteam hanggang sa mauwi na nga sa totohanan ang kanilang pagmamahalan.

Kamakailan, diretsong sinabi ni James na nakikita na rin niya ang sarili na nagpapakasal kay Nadine. Pero aniya, bata pa naman sila ng kanyang girlfriend para pagtuunan ng pansin ang pagpapakasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending