Arjo Atayde mas maraming fans na senior citizen
SPEAKING of Arjo Atayde, may bago nang career ang binata – ang pagiging singer at dancer.
May six-week shows kasi siya sa Casino Filipino para sa campaign nilang “Winnings Begin This 2017” na gaganapin sa iba’t ibang probinsiya na inumpisahan na niya nitong nakaraang Sabado, Enero 14 sa Angeles, Pampanga.
Nasa Cebu naman siya sa Enero 28; Tagaytay, Pebrero 4; Subic, Pebrero 11 at muli siyang ibabalik sa Marso at Abril ngayong taon din.
Kuwento ng mama niyang si Sylvia Sanchez ay pawang senior citizen daw ang nag-request sa anak para mag-show sa Pagcor dahil napanood daw nilang sumayaw ang aktor sa ASAP.
Nagulat nga raw ang magulang ng aktor nu’ng alukin siyang mag-show kasi nga hindi naman ito ang forte niya maliban sa pagsayaw na talagang first love niya.
“Nagulat nga kami kasi di ba, hindi naman kumakanta talaga si Arjo, ‘yung sayaw oo, first love niya ‘yan next ang acting, pero ang pagkanta, hindi ganu’n. Nadadaan sa praktis.
“Kaya sabi ko, ‘nak subukan mo na ring kumanta sayang, eh. Habang may kumukuha sa ‘yo. At ang nakakatuwa, puro matatanda ang nag-request kay Arjo. Di ba, fans ng anak ko mga may edad na, pero may mga bagets din naman.”
Kung nabubuhay pa Da King, Fernando Poe, Jr. ay mga kaedaran niya ang fans niyang senior citizen na at nage-enjoy na lang sa casino. Ang mga batang fans ni Arjo ay dahil na rin sa karakter niyang kontrabida sa pamilya ni Coco Martin.
‘Yun lang, hindi pa confident si Arjo sa sarili kaya ayaw niyang manood ang pamilya niya sa series of shows niya sa Pagcor.
Sabi ni Ibyang, “Ayaw niya kasi hindi pa raw siya confident sa boses niya, baka raw i-bully lang namin siya. Ha-hahaha! Ganyan ‘yan, eh!”
Practice makes perfect naman ‘yan, di ba bossing Ervin. (Tomohhhh! Tsaka korek si Ibyang, sayang ang mga karaketan! Ha-hahaha!)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.