Ilang taon na rin ako sa showbiz, never lumaki ang ulo ko! – Sylvia
“MALAKI na ulo mo? Sikat ka na, eh!” ang kaswal naming kantiyaw kay Sylvia Sanchez dahil nag-trending worldwide ang umereng episode ng The Greatest Love noong Miyerkules ng hapon na #TGLTheDeepImpact.
Sinagot kami agad ng aktres ng, “Sira ulo ka Bonoan, ewan ko sa ‘yo! Hindi ganito ang magpapalaki ng ulo ko at ilang taon na ako rito sa showbiz, never na lumaki ang ulo ko sa mga sinasabing magaganda sa akin ng tao.”
Ito ‘yung eksenang ipinatawag na lahat ni Mama Gloria (Sylvia) ang mga anak niya sa kuwento na ginagampanan nina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Aaron Villaflor , Matt Evans at apong si Joshua Garcia kung saan nalaman na nilang may Alzheimer’s disease ang kanilang ina.
Kasagsagan kasi ng deadline namin habang ipinalalabas ang TGL kaya hindi kami nakakapanood pero nu’ng mismong mga oras na iyon ay panay ang tunog ng cellphone namin galing sa mga katoto at non-showbiz friends para sabihing, “Pakisabi kay Sylvia, sobrang iyak namin sa TGL. Grabe, bumaha luha namin habang nanonood kami.”
Dedma kami sa mga nag-text kasi sanay na kami sa mga sinasabi nilang mahusay o magaling na aktres si Ibyang, maski kasi sa ibang bansa ay ito ang naririnig namin sinasabi ng mga kababayan natin noong nandoon kami. At nakita na lang namin sa feed namin (social media) ang iba-ibang reaksyon ng mga nanonood ng TGL.
Hanggang sa nag-post na rin ang mga kaibigan at kaanak namin sa ibang bansa na nakapanood din ng TGL at hayun, kanya-kanyang bati na kay Ibyang at lahat daw ng buong cast mahuhusay.
Samantala, maraming artistang babae at mga premyado pa ang bumati kay Ibyang na nagsabing, “Paano naman kami? Tapos na, uwian na, may nanalo na ng best actress.”
At habang nasa set ng The Greatest Love si Ibyang ay dinalaw siya ng anak niyang si Ria Atayde, dinalhan siya ng cake kasabay ng pagbati.
Post ni Ibyang sa kanyang Instagram, “Ito ang masarap na premyo pagkatapos ng mahabang eksenang mabigat sa dibdib, ang surpresahin ako ng anak ko sa set at sabihing, congrats mom, galing mo! hayyyyy! Kaiyak!! Salamat potpot@riaatayde you never fail to surprise me and make me feel loved!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.