Daniel, Kathryn responsableng kabataan na may paninindigan | Bandera

Daniel, Kathryn responsableng kabataan na may paninindigan

Ambet Nabus |January 10,2017
facebook
share this

Daniel, Kathryn responsableng kabataan na may paninindigan

Ambet Nabus - January 10, 2017 - 12:01 AM

kathryn bernardo at daniel padilla

MATAPOS ngang maglabas sa social media accounts nila sina Nadine Lustre at James Reid nang mga sexy photos nila sa beach during the holiday season, turn naman ng KathNiel na very revealing din ang mga litrato sa Boracay vacay nila kamakailan.

Halatang enjoy na enjoy ang mag-partner at mukhang hindi na nila inaalintana ang sasabihin ng mga tao sa mga very sweet nilang poses at pag-display ng mga seksing katawan.

“Nag-mature na sila. Mga binata’t dalaga na,” sey ng followers nila na ngayon pa lang ay super excited nang mapanood ang bagong serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang Luna Sangria.

Recently, may lumabas na hula na posible raw mabuntis si Kath this year na matapang namang sinagot ng ilang followers ng dalaga na kapag nagkatotoo ito, siguradong paninindigan ito ng girlfriend ni Daniel.

Ngunit sabi nga namin, hindi namin nakilalang ganu’n ang dalaga, lalo na si Daniel na marespeto at tunay namang nagmamahal sa kanya.

“They are just two young people who enjoy life and enjoy each’s company. Kelan pa ba sila mag-eenjoy kung matanda na sila at masyado nang busy? Medyo nakakuha ng bakasyon ang dalawa kaya ganyan.

Very soon, pag back to work na sila, focused at maaasahang workers ang mga iyan,” habol pa ng mga katsika naming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending