Angelica niregaluhan ng Coldplay concert ticket si Glaiza | Bandera

Angelica niregaluhan ng Coldplay concert ticket si Glaiza

Ervin Santiago |December 24,2016
facebook
share this

Angelica niregaluhan ng Coldplay concert ticket si Glaiza

Ervin Santiago - December 24, 2016 - 12:40 AM

GLAIZA DE CASTRO AT ANGELICA PANGANIBAN

GLAIZA DE CASTRO AT ANGELICA PANGANIBAN

MAS tumibay pa ang pagkakaibigan ni Glaiza de Castro at ng kanyang “amigah” na si Angelica Panganiban.

At muli nilang patutunayan ang kanilang pagiging BFF sa pamamagitan ng sabay nilang “pagwasak” sa kanilang mga puso.

Nakatanggap kasi ng regalo si Glaiza mula sa kaibigan at talagang ikinagulat iyon ng Kapuso actress. Isang ticket lang naman para sa Coldplay concert sa Singapore ang Christmas gift ni Angelica sa Encantadia star.

Siyempre, labis ang kaligayahan ni Glaiza nang matanggap ang regalo. Noon pa niya sinasabi na gustung-gusto niyang mapanood ang Coldplay na nakarating nga kay Angelica kaya naisip nitong ito na ang iregalo sa dalaga.

Nang tanungin nga si Glaiza kung handa na ba siya sa concert ay napasagot ito ng, “Handa na pong mawasak ang puso ko!”

Nakakatuwang makita na kahit na magkaiba na ang TV network ng dalawang aktres ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending