JM napaiyak sa Instagram video, mahal na mahal pa rin si Jessy? | Bandera

JM napaiyak sa Instagram video, mahal na mahal pa rin si Jessy?

Reggee Bonoan - December 15, 2016 - 12:25 AM

JM DE GUZMAN

JM DE GUZMAN

MULI nag-post ang aktor-singer na si JM de Guzman sa kanyang Instagram account noong Martes habang kumakanta ng “Not While I’m Around” na hango sa musical broadway na “Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street” na ipinalabas noong 1979.

Naka-costume pa si JM at ang linaw ng pagkaka-record ng kanta kaya inisip namin kung kuha ba ito sa recording studio o sa kuwarto niya. Mahilig kasing mag-video si JM ng kanyang sarili habang kumakanta at saka ipo-post sa kanyang IG.

Siguradong maraming na-touch nang pagkatapos kumanta ng binata ay bigla itong napaluha, siguradong ramdam pa niya ang lyrics na tungkol sa taong mahal na mahal niya at walang puwedeng makapanakit habang naroroon siya na maski na anong oras siya kailanganin ay darating siya.

May kinalaman kaya ito sa taong mahal ni JM na hindi na niya muling makakapiling dahil may iba na itong minamahal. Si Jessy Mendiola pa rin kaya ang babaeng nasa puso niya hanggang ngayon?

Kailangan na sigurong mag-move on o i-let go ng binata ang taong mahal niya para naman makapagsimula siya sa buhay niya.

Sa totoo lang, maraming nanghihinayang sa aktor dahil napakagaling niyang artista at napakabait pa.

Sana sa pagbabalik ni JM sa showbiz ay for good at for keeps na. Sana’y tuluyan na siyang makabawi uli at makalimutan na ang masaklap niyang nakaraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending