Janella nakabili na ng sariling bahay; pinuri ang akting sa 'Mano Po 7' | Bandera

Janella nakabili na ng sariling bahay; pinuri ang akting sa ‘Mano Po 7’

|December 12,2016
facebook
share this

Janella nakabili na ng sariling bahay; pinuri ang akting sa ‘Mano Po 7’

- December 12, 2016 - 12:10 AM

janella salvador

IN fairness, nakabili na ng sarili niyang bahay sa Quezon City ang Kapamilya young actress na si Janella Salvador. ibig sabihin natupad na niya ang Christmas wish niya last year.

“‘Yung wish ko sa last Christmas was sana po ma-kabili na ako ng house anytime this year and I can say na finally, natupad ko siya. I just bought a house and hopefully, makalipat na po ako this year,” sey ng dalaga na napakagaling sa latest movie ng Regal Entertainment na “Mano Po 7: Chinoy”.

“Hindi naman siya super laki. Hindi naman po siya mansion pero it’s bigger and enough for my family. I needed a bigger space kasi so finally, makakabili na,” chika pa ni Janella.

Samantala, showing na sa Dec. 14 ang “Mano Po 7: Chinoy” na pinagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Janella, Jake Cuenca at Enchong Dee. in fairness, ang ganda-ganda ng pelikula at ang gagaling lahat ng artistang kasama rito kaya talagang nakapagtataka kung bakit i-nisnab ito ng MMFF screening committee.

Ilang beses kaming napaiyak sa mga drama moments ng cast at siguradong maraming makaka-relate na pamilyang Pinoy sa kuwento kahit nga may dugong Chinese ang nga karakter sa kuwento. Kaya sugod na sa mga sinehan sa Miyerkules at sabay-sabay nating panoorin ang “Mano Po 7”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending