Andrea Torres: Hindi po totoong sinugod ako ni Marian sa taping ng Robin Hood! | Bandera

Andrea Torres: Hindi po totoong sinugod ako ni Marian sa taping ng Robin Hood!

Djan Magbanua, Ervin Santiago |December 10,2016
facebook
share this

Andrea Torres: Hindi po totoong sinugod ako ni Marian sa taping ng Robin Hood!

Djan Magbanua, Ervin Santiago - December 10, 2016 - 12:01 AM

andrea torres at dingdong dantes

PUTTING rumors to rest, sinabi ni Andrea Torres na single na single siya ngayon.

Tinanong namin kung anong nangyari sa relationship nila ng komedyanteng si Sef Cadayona, ang mabilis niyang sagot, “Hindi naman naging kami, eh, kaya wala naman akong aaminin.”

Anyway, todo ang pagpapaseksi ni Andrea sa GMA series na Alyas Robin Hood, kaya talagang diet kung diet ang drama niya. Kailangan lagi siyang handa sa mga sexy scenes niya sa ARH tulad na lang ng patalbugan nila ni Megan Young wearing an identical red 2-piece swimsuit.

On working naman with Dingdong Dantes naman, mapagbiro at masayahin daw ang aktor and very professional kaya laging light ang atmosphere sa set na nakakatulong naman para daw mawala ang kaba niya sa kanilang mga eksena.

Samantala, may blind item palang kumalat saying na sumugod daw si Marian Rivera sa set ng ARH. Hinahanap daw siya and shouting for Dingdong. Kinausap daw nito si Andrea nang masinsinan.

“Hindi totoo yun. Noong dumating po siya wala po ako sa set. Kasi late call nga po ako. So noong lumipat na ng location kung saan ako nandu’n umuwi na sila, wala na sila, kasama niya yung baby. Late na po yun mga 8 or 9 na. So hindi kami nagkita sa set,” paliwanag ni Andrea.

Nagkaka-text at nag-uusap naman daw sila and once in a while nga raw ay nagpapadala pa siya ng pagkain kay Marian through Dingdong, so tingin niya okay naman sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending