Visually impaired na Pinay na tubong Capiz pasok sa finals ng France Got Talent
PASOK sa France Got Talent Finals ang visually impaired na Pinay singer na si Katchry Jewel Golbin o kilala na sa pangalang Alienette Coldfire sa naturang bansa.
Ito ang kinumpirma ng ina ng singer, na si Estrella San Felix Golbin.
Ayon kay Estrella, isa ang kanyang anak sa mga semi-finalists na pinaboranng mga judges at tuluyang napasa sa top-10 finalists.
Todo handa na si Golbin sa performance niya sa finale.
Bulag na si Katch nang ipanganak.
Pero kahit bulag ay nagtapos ang singer na tubong Capiz ng AB English sa Central Philippine University.
Dagdag ng ina, bata pa lang ay nakitaan na ng talento ang anak sa pag-awit hanggang sa sumali ito sa mga singing competitions.
Unang pinahanga ni Golbin ang mga hurado sa pagkanta nito ng awiting “I Dreamed a Dream” mula sa Les Miserables.
Napaiyak pa ang French Judge na si Helene Segara dahil sa emosyonal na rendisyon ni Golbin sa nasabing awitin.
Si Golbin ay unang nakilala matapos na mag-viral sa Youtube ang kaniyang video habang inaawit ang “I’ll Be There” ni Mariah Carey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.