Horror movie na ‘seklusyon’ ni Erik Matti malakas ang laban sa MMFF
MUKHANG magaganda naman ang mga pelikulang kasama sa 2016 Metro Manila Film Festival base sa mga trailer na napanood namin.
Nakakatakot pala ang “Seklusyon” ni Erik Matti produced by Reality Entertainment nina Ronald Stephen Monteverde at Stacey Bascon na pagbibidahan ni Ronnie Alonte na isa sa member ng grupong Hashtag.
Naalala tuloy namin ang “Shake, Rattle & Roll” na palaging bumibida sa filmfest pero hindi nga mapapanood this year. Kaya ang sabi namin, siguradong kikita ang “Seklusyon dahil walang lugi ang horror sa MMFF.
Totoo naman, di ba, bossing Ervin, pinapasok talaga ng mga tao ang mga ganitong klaseng pelikula kapag filmfest.
Cute naman ang trailer ng pelikulang “Vince And Kath And James” nina Julia Barretto, Ronnie Alonte uli at Joshua Garcia na kuwentong ligawan ng mga bagets o ‘yung mga tinatawag na puppy love.
Mahilig kami sa animation, pero hindi namin type ang trailer ng “Saving Sally” na matagal daw ginawa, pero sana kumita rin ito para mabawi ang puhunan ng mga producers dahil alam naming mahal ang paggawa ng animation.
Type rin namin ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros at “Ang Babae Sa Septik Tank 2: Forever Is Not Enough” nina Eugene Domingo at Jericho Rosales. Ang hula ng marami ang dalawang entry na ito ang posibleng manguna sa takilya dahil nga comedy din ang tema nito.
Tsaka siguradong curious ang mga Pinoy kung bakit nanalong best actor si Paolo sa nakaraang Tokyo International Film Festival para sa “DB” na nanalo rin ng People’s Choice award.
Nagustuhan din namin ang trailer ng “Sunday Beauty Queen” na pawang mga totoong OFW ang bida dahil isa nga itong documentary film at ang “Oro” ni Mercedes Cabral na tungkol naman sa mga namumulot ng ginto.
Sana lang hindi makaapekto sa “Oro” ang pagiging nega ngayon ni Mercedes dahil sa ginawa niya kay Mother Lily Monteverde. Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagtawag niya ng “fuc***in idiot” sa Regal Films matriarch.
Negang-nega nga ang image ngayon ng indie actress kaya hindi imposibleng maapektuhan ang entry niya sa MMFF dahil dito.
Pero sana nga, mahila ng mga sikat na artistang kasama niya sa movie ang kanilang entry para hindi ito mangulelat sa takilya. Hindi na rin siya pinatulan ni Mother Lily na ayaw nang magpakanega.
Pero bago nga namin isa-isahin (kung may time) ang Magic 8 sa MMFF, pipila muna kami sa “Mano Po 7: Chinoy” ng Regal Entertainment na showing na sa darating na Dec. 14 dahil nakagawian na rin naming panoorin ito tuwing Disyembre sa MMFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.