Jonathan Manalo saludo sa galing nina Gary at Lea pero hiyang-hiya kay Regine
PAWANG mga sikat na singer ang bubuo sa concert na “Kinse: The Music of Jonathan Manalo” na gaganapin sa Music Museum sa Dis. 3, 7 p.m..
Obviously, 15 years na sa music industry si Jonathan at noon pa sanang 10th year anniversary sana niya ito ipagdiriwang nang engrande, pero hindi natuloy dahil hindi pa handa ang lahat ng singers na gusto niyang maging bahagi ng show.
Kaya naman ngayong kinse na siya sa music industry ay sobrang saya niya dahil finally, tuloy na tuloy na ang matagal na niyang pinapangarap.
“Actually nu’ng una, kabado ako, kasi baka hindi ko sila mabuo lahat kasi ako mismo ang nagtawag sa kanila at sa awa ng Diyos, sumagot kaagad nu’ng wala silang conflict sa schedules. “Nakakatuwa na makita lahat ang artists dito sa concert na nakatrabaho ko ng maraming taon together. Natutuwa ako na napagsama-sama ko silang lahat to celebrate my 15 years in the business,” sabi ng songwriter ngayon.
Tama lang na i-celebrate ito ni Jonathan dahil umabot na sa 200 songs (commercially recorded) ang kanyang nasulat at nasa 20 songs naman ang nag-hit o tumatak talaga sa tao.
Kung ang ibang songwriter ay nakakabuo ng kanta dahil sa mga pinagdaanan nilang hirap sa buhay o mga sawi sa pag-ibig ay hindi kabilang dito si Jonathan.
“I’m very blessed na hindi ako masyadong binigyan ng bubog (pain) ni Lord, lumaki po ako sa isang pamilya na nakikinig sa gospel music. Ang mentors ko ay gospel music songwriters, sina kuya Jungee Marcelo, Soc Villanueva kaya ako mas inspiration driven than pain or bubog driven,” kuwento ni Jonathan.
Pagkatapos ng presscon ng “Kinse” ay tinanong namin si Jonathan kung anu-ano sa mga kanta niya ang may pinakamalaking kinita (kung saan na-ngongolekta na lang siya ng royalty).
“‘Yung ‘Pinoy Ako’ (2005 ng Orange And Lemons) kasi ang laki ng license niya sa shows, malaki ang royalties niya at ilang taon nang ginagamit ng PBB (Pinoy Big Brother sound track), so ‘yung revenues ng song, sobrang laki na talaga.
“Pangalawa ‘yung ‘Patuloy Ang Pangarap’ ni Angeline (Quinto, 2011) kasi nagamit sa mga commercial, sobrang laking hit song niya sa akin.
“’Yung unang-unang hit song ni Erik Santos na ‘Pagbigyan Muli’ (2004), kasi ito ‘yung kasagsagan ng ringtones na umaabot sa milyon ‘yung download, inabot ko pa ‘yun,” kuwento ni Jonathan.
“But sadly for many of us na nagsisimula palang like ako nu’ng nagsimula ako as struggling composer talagang hindi mo iisipin ‘yung pera. Motivated ka by your passion to do music, to write songs and doon nagsisimula na the things you wanna do, money will just follow.
“Ako nagsimula sa pagiging passionate, sa pagiging best sa craft at hindi naghahanap ng pera and then sumunod na lang ang mo-ney,” paliwanag ng batang kompositor.
Ang first ever hit song ni Jonathan ay ang “Tara Tena”, “Hindi man siya level ng ‘Pinoy Ako’ at ‘Patuloy Ang Pangarap’, pero I will never forget ‘Tara Tena’ kasi it opened several doors for me. ‘Tara Tena’ is my Himig Handog para sa makabagong kabataan, grand prize winning song in 2001, after no’n, that song changed my life.”
Ang unang hit song daw niya na kinanta ng isang artist ay yung kay Erik Santos na “Pagbigyan Muli” pagkatapos niyang manalo sa Star In A Million, “That was awarded Song of the Year and longest running number one ng 101.9 radio FM,” say ni Jonathan.
Personal choice raw lahat ni Jonathan ang mga singer na mapapanood sa “Kinse: The Music of Jonathan Manalo” tulad nina Vice Ganda, Brenan, Gloc 9, Liezel Garcia, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Sam Milby, Jona, Juris, Kyla, Morissette Amon, Piolo Pascual, Janella Salvador, Thor, Erik Santos, Marion, KZ Tandingan, Aiza Seguera, Yeng Constantino, Lani Misalucha at Gary Valenciano.
“Hindi talaga ako mahilig humingi ng personal favor, kaya sabi ko, ngayon lang ako manghihingi ng favor sa mga ito, sana pagbigyan nila ako kaya sobrang tuwa ko, isang gabi lang kami magse-celebrate,” masayang sabi ni Jonathan.
May iba pa raw nagawan at naka-trabahong singers si Jonathan at mas pinili raw niya ‘yung may naging signature hit song na siya mismo ang sumulat.
Tinanong namin kung sino ang pinaka-paborito niya sa lahat ng nagawan niya ng kanta, “Naku, ang hirap, favorite ko silang lahat,” natawang sagot niya sa amin.
Ni-reveal ni Jonathan na gusto niyang imbitahin din sana sina Regine Velasquez at Lea Salonga, kaso sobrang nahiya na siya, “Nahiya ako, hindi ko tinawagan (si Regine), siguro sa 25th year na lang. Si Lea, nahiya rin ako,” pag-amin pa.
Ayon kay Jonathan, sina Gary at Lea raw ang dalawa sa mga artist na madaling makakuha ng kanta sa isang pasada lang. Nahirapan naman daw siya kay Regine dahil nai-intimidate sa Asia’s Songbird si Jonathan dahil, “kasi siya ‘yung diva of all divas. At hindi rin siya Kapamilya kaya hindi ko siya tinawagan, pero everytime na nakaka-trabaho, parang panaginip lang kasi legend si Ms Regine kaya very thankful ako na naka-trabaho ko siya on some projects (soundtrack sa movie nina Regine at Piolo – Paano Kita Iibigin).”
Ang “Kinse: The Music of Jonathan Manalo” ay supported ng ASAP, MYX, MOR 101.9, Manila Concert Scene, ABS.CBN.com, Onemusic.PH at BillboardPH.
Ang “Kinse” ay sa ilalim ng produksyon ng Cornerstone Concerts at Star Events.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.