'Sa wakas, dumating na ang tamang panahon para kay Derrick!' | Bandera

‘Sa wakas, dumating na ang tamang panahon para kay Derrick!’

Ambet Nabus |October 31,2016
facebook
share this

‘Sa wakas, dumating na ang tamang panahon para kay Derrick!’

Ambet Nabus - October 31, 2016 - 12:25 AM

derrick monasterio

WISH talaga namin this time sa pamamagitan ng fantasy series na Tsuperhero ay maabot na ng Kapuso hunk  na si Derrick Monasterio ang full stardom.

Long overdue na kumbaga sa mahusay, guwapo at magaling makisamang young actor ang break na ito. Kaya naman super grateful siya sa GMA 7 na napansin na rin siya sa wakas at pinagkatiwalaang magbida sa Tsuperhero.

“Walang padding iyan Tito!” sey nito sa amin tungkol sa costume niyang tight na tight sa balat at nagpabakat sa kung ano mang ipinagmamalaki niya in between his legs. Sa “malandi” (malambing na bati with matching yakap at beso) niyang emote na lagi niyang baon everytime magkikita kami, sinabi nitong, “Alam mo iyan Tito, nakikita mo akong nagpi-pictorial ng seksi. Very true iyan!”

Biniro namin siya na feeling namin nagdoble pa siya ng underwear bago isuot ang superhero costume, “Ha-hahaha! Basta.Ganyan talaga ang costume ni Tsuperhero. Pero dapat yung istorya niya at yung mga gagawin niya sa show ang dapat ninyong tutukan,” tsika pa ni Tsuperhero.

Bagay na bagay kay Derrick ang papel ng isang superhero. Matangkad, maganda ang katawan, mabait at may sense of humor pa, bukod pa sa hasang-hasa na din ito sa pagganap.

This time ay si Bea Binene naman ang susuporta sa kanya bilang leading lady, with Alma Moreno, Betong Sumaya, Migs Cuaderno, Michael V at Gabby Concepcion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending