Lovi hindi nahiya sa dyowa ni Derek habang pinanonood ang 'The Escort' | Bandera

Lovi hindi nahiya sa dyowa ni Derek habang pinanonood ang ‘The Escort’

Reggee Bonoan - October 30, 2016 - 12:05 AM

lovi poe at derek ramsay

PALABAN si Lovi Poe sa mga love scene nila ni Derek Ramsay sa “The Escort” na kinunan pa sa napakagandang Kandaya Resort sa Bantayan Island sa Cebu.

Walang daya ang halikan nang dalawa at aminado rin si Derek na nakasuot siya ng skin-tone spanx (cycling shorts) kaya nagmukhang hubod-hubad siya talaga. Ilang minutong tumagal ang love scene nina Derek at Lovi kung saan halos hubo’t hubad na nga ang aktres.

Sabi ni Lovi, nahirapan siyang gawin ang “The Escort” dahil ang ginagampanan niyang karakter (Yassi/Yasmien) ay tahimik lang na babae na kumakayod nang husto para buhayin ang dalawang kapatid.

Kuwento ni Lovi pagkatapos ng advanced screening ng “The Escort”, “Naninibago ako, kasi usually, puwede akong maglaro sa role ko na nakukuha ko sa movies, like ‘yung ‘Temptation Island’, malandi siya, this one (The Escort), tahimik.”

Isa sa favorite scenes ng aktres sa movie ay ‘yung nag-uusap sila ni Derek over a cup of tea and a slice of cake dahil cute raw. Ito ‘yung eksenang nagpaparamdam na si Derek na gusto niya ang dalaga.

“Gusto ko ring yung scene namin ni sir Boyet (Christopher de Leon), ‘yung nagne-negotiate kami na binigyan niya ako ng tatlong options para makabayad ako sa utang na loob ko sa kanya, at sa pagliligtas niya kay Derek,” say ng dalaga.

Ang tatlong options na tinutukoy ni Lovi ay ang mga sumusunod: kailangan magpakasal si Lovi kay Boyet; ikalawa, isang buong gabing kapiling kapalit ang kanyang virginity at ikatlo, magme-make love sila ni Derek habang pinanonood sila ni Boyet. Hindi na namin sasabihin kung ano ang pinili ni Lovi para hindi namin ma-preempt ang panonood n’yo.

Natanong din ang aktres kung alam ng rumored French boyfriend niya ang tungkol sa mga pinaggagawa niya sa “The Escort”, “Nakukuwento ko, wala naman siyang karapatang magselos kasi we’re not yet in a relationship. Siguro mutual understanding, puwede ng tawagin na ganu’n,” kuwento ni Lovi.

Hindi ba siya nahiya sa girlfriend ni Derek na si Joan Villablanca na kasama pa nito sa premiere night habang pinanonood nila ang mga love scene sa movie? “Hindi, kaibigan ko si Joan, she’s my friend.

Schoolmates kami nu’ng high school (Colegio de San Agustin),” kaswal na sabi ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, magaganda at malilinaw ang mga shots ni direk Enzo Williams lalo na ang mga lugar sa Kandaya Resort, sabi nga namin, siguradong isasama na ng mga makakapanood ng pelikula sa kanilang bucket list ang pagpunta roon dahil sa taglay na kagandahan nito.

Mapapanood na sa mga sinehan ang “The Escort” sa Nob. 2 under Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending