Marian, Baby Zia sinorpresa si Dingdong sa taping | Bandera

Marian, Baby Zia sinorpresa si Dingdong sa taping

Ervin Santiago |October 29,2016
facebook
share this

Marian, Baby Zia sinorpresa si Dingdong sa taping

Ervin Santiago - October 29, 2016 - 12:25 AM

dingdong marian at zia dantes

NAKAKATUWA naman ang good vibes na dala ng mga bisita ni Dingdong Dantes sa mismong set ng kanyang GMA Primetime series na Alyas Robin Hood.

Nagulat ang lahat nang biglang umapir sa taping ang mag-ina ng Kapuso Primetime King na sina Marian Rivera at Baby Zia. Sinorpresa kasi ng mga ito si Dingdong habang nasa location ng Alyas Robin Hood kamakailan. Hindi raw alam ni Dong na pupunta roon ang kanyang mag-ina.

Sa Instagram ay makikita ang ilang kuha mula sa pagdalaw nina Marian at Baby Zia sa set. Kitang-kita ang kaligayahan ng Kapuso actor nang maka-bonding niya kahit sandali lang ang kanyang asawa’t anak.

At mukhang mas na-inspire pa siyang tapusin agad ang trabaho para maaga silang makauwi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending