Quantcast

Nakabawi si LA Tenorio

By

MAHIRAP din ang mamili ng Most Valuable Player of the Finals na ipinagkaloob ng PBA Press Corps sa manlalarong malaki ang naging kontribusyon sa panalo ng Barangay Ginebra kontra Meralco sa apat na laro sa nakaraang best-of-seven seryeng pangkampeonato ng PBA Governors’ Cup.

Iba-iba kasi ang naging Best Player of the Game.

Sa panalo ng Gin Kings sa Game Two ay naging Best Player si Solomon Mercado matapos na lagyan nito ng posas ang Meralco import na si Allen Durham na nalimita sa 22 puntos matapos na gumawa ng 46 sa Game One.

Sa Game Four ay itinanghal na Best Player ang beteranong si Jayjay Helterbrand na umiskor ng lahat ng 11 puntos niya sa fourth quarter kung saan nakabalik ang Gin Kings buhat sa 16 puntos na kalamangan ng Bolts matapos ang third quarter. Aba’y hindi na nga nagagamit si Helterbrand subalit nang siya ay hugutin ni coach Tim Cone ay pumutok siya upang matulungan ang rally ng Barangay Ginebra. Ang maganda pa nun ay nagdiriwang siya ng ika-40 kaarawan niya sa gabing iyon.

Sa Game Five kung saan sa unang pagkakataon ay nakapagposte ng back-to-back na panalo ang kahit na aling koponan sa Finals ay nagsilbing Best Player naman si Japeth Aguilar. Nakakantiyawan na kasi si Aguilar na nawawala at naglalaho kapag kailangang-kailangan siya ng kanyang koponan. Mabuti naman at nakapag-deliver siya.

Papasok sa Game Six, ang usapan ay kung sino kina Mercado, Helterbrand at Aguilar ang muling magiging Best Player, siya na ang mahihirang na Most Valuable Player of the Finals.

Pero iba ulit ang naging bida para sa Barangay Ginebra.

Si LA Tenorio naman ang sumingasing nang husto upang tulungan ulit na makabalik ang Gin Kings sa malaking kalamangan ng Bolts.

Pero siyempre, kung ang import ay puwedeng magwagi bilang MVP of the Finals, hands-down choice si Justin Brownlee. Siya ang nag-deliver ng pinakaimportanteng tira ng gabi. Nagbuslo siya ng three-point shot kasabay ng pagtunog ng final buzzer upang magwagi ang Barangay Ginebra, 91-88.

May mas gagaling pa ba roon?

Ipinakita lang ni Brownlee na puwede rin siyang mahirang na Best Import. Pero naibigay na ang award kay Durham.

Sana nga lang ay may Best Import of the Finals din para may naiuwi rin siyang personal na tropeo.

Pero okay na kay Brownlee ‘yung siya ang nakatikim ng kampeonato. Siya ang maaalala ng mga fans. At malamang na pabalikin siya ng Gin Kings sa susunod na season.

At si Tenorio?

Aba’y nabawi niya ang maraming beses na tila nawawala siya sa huwisyo. Hindi nga ba’t may isang game sa Finals kung saan nagmintis pa siya ng dalawang free throws sa dakong huli? Pero binura niya ang lahat ng masasamang alaala at pinalitan ng isang napakagandang performance sa huling game.

Salamat nga pala sa Cignal TV na siyang naging kaagapay ng PBA Press Corps sa pagbibigay ng MVP of the Finals award.

Ang Cignal TV din ang naging katuwang ng PBA Press Corps sa Annual Awards Night na ginanap sa Gloria Maris.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement