Derek sa hubad na katawan ni Lovi: Totoo lahat, walang daya! | Bandera

Derek sa hubad na katawan ni Lovi: Totoo lahat, walang daya!

Reggee Bonoan - October 15, 2016 - 12:01 AM

lovi poe at derek ramsay

ANG bad namin kung sasabihin naming sana sina Derek Ramsay at Lovi Poe na lang ang magkarelasyon dahil hindi lang sila bagay na magka-loveteam sa pelikula, pwede rin silang maging lifetime partner.

Ang gaganda siguro ng magiging mga tsikiting nila kapag sila ang nagkatuluyan. Pinoy na Pinoy kasi ang kanilang kulay.

Anyway, may non-showbiz girlfriend si Derek at maayos ang kanilang pagsasama dahil hindi sila naiintriga bagay na gusto rin ng aktor kumpara noong taga-showbiz ang karelasyon niya, halos araw-araw laman siya ng mga tabloid.

At paanong hindi magiging bagay sina Derek at Lovi, e, pareho silang sexy at ang lakas ng sex appeal.

Kaya naman lutang na lutang sila sa “The Escort”, idagdag pa ang award-winning actor na si Christopher de Leon na maski may edad na ay malakas pa rin ang dating sa girls.

Akala namin ay ang members lang ng entertainment press ang nakapansin sa presscon ng “The Escort” na bagay sina Derek at Lovi, may mga nakapagsabi na raw sa kanya noon pa, kuwento mismo ng aktor.

“Marami nang nagsasabi, sobra. Actually, nu’ng isang araw, we were out sa The Red Charity Gala, it was an auction for donations sa Red Cross, we decided to go together, and everybody there thought na kami na, na we were in a relationship. People are telling us, ‘dapat maging kayo na’, ‘bagay na bagay kayo’.

“When I found out that Lovi was going to be my partner, I was very, very excited. Bumalik ‘yung excitement ko na gumawa ng pelikula because I love the way she looks, I love ‘yung kulay ng skin niya. Yes, I’m going to have a leading lady na kakulay ko ng kaunti.

“Sobrang daming nagsasabi that we look good together, and we have good chemistry and again, that’s a great compliment to us. Kasi that’s what we’re trying to portray on screen,” kuwento ni Derek.

Sobrang puring-puri rin ng aktor si Lovi dahil wala raw arte ito habang ginagawa nila ang love scene sa movie at hindi siya nahirapang mag-effort kumpara sa ibang nakasama na niya sa pelikula.

Kuwento ni Derek,“With Lovi, she just looks into your eyes and just listens. Talagang nakikinig lang siya sa ‘yo. At first, nakadalawang protection (sa chest) pa siya, then hindi talaga maano ‘yung daya, nakikita.

“So, I talked to her, ‘okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe.’ To the point na halos talagang wala na. And she was comfortable, everything was okay. Talagang I protected her para hindi siya mabosohan.

“Mahirap kasi na umaarte ka, iniisip mo pa na baka lumabas ‘yun. So, I sat her down, sabi ko, ‘look, I guarantee you, nothing will happen to you,” kuwento pa ng aktor.

Paano natakpan ni Derek ang boobs ni Lovi, “You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and puwede mo nang iarte ‘yun, kunyari nanggigigil ka,” pagtatapat ng aktor.

At sobrang bilib si Derek kay Lovi dahil talagang ang sexy daw pala ng dalaga maski saan mo tingnang anggulo.

“Not once that we had to say, ‘Oopps cut! Palitan natin ang angle para mas payat ka tingnan.’ ‘Yung lighting, hindi na pinalitan. Every angle, she looked good.

“So, you know, walang daya. I’m not saying the others, nandaya, pero talagang sa kanya, what you see on the magazines, ganu’n talaga,” pagmamalaki ng aktor sa leading lady niya.

Nalaman din namin na milyun-milyon na rin ang views sa inilabas na trailer ng Regal Films sa social media, and still counting. Ibig sabihin, talagang maraming na-curious sa sex-drama film nina Derek at Lovi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya alam mo na bossing Ervin na maski nasa kamposanto ang mga tao sa araw ng showing ng “The Escort” sa Nob. 2 ay nakikinita na naming mag-uuwian silang lahat para manood ng bagong offering ng Regal Films na idinirek naman ni Enzo Williams.

Bukod kay Boyet, makakasama rin sa “The Escort” sina Albie Casino, Jean Garcia na may mga ginawa ring love scenes sa movie kasama si Derek, Dimples Romana, Jackielou Blanco at Rommel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending