Paolo pinayagang mag-absent sa Eat Bulaga para sa Tokyo Int’l filmfest
WALA nang agam-agam si Paolo Ballesteros dahil finally ay makakadalo na siya sa gaganaping Tokyo International Film Festival dahil kalahok nga rito ang pelikula niyang “Die Beautiful.”
Magsisimula ang festival sa Okt. 25 hanggang Nob. 3, at umaasa si Paolo na magiging maganda ang pagtanggap doon sa kanilang entry na idinirek ni Jun Lana produced by Asian Future Film. Pinayagan na si Paolo ng Eat Bulaga na mawala siya ng apat na araw.
Kuwento sa amin ng Program Manager ng Idea First Company na si Omar Sortijas, “Masaya si Pao kasi four days siya at mapapanood niya ‘yung premier at makakapaglakad siya sa red carpet. Sana manalo siya (best actor) kasi ibinigay niya ang best niya sa pelikulang ito, ang galing niya, ang gaan niyang katrabaho.”
Suportado si Paolo sa movie nina Eugene Domingo, IC Mendoza, Inah de Belen, Gladys Reyes, Albie Casino, Luis Alandy, Iza Calzado at Joel Torre.
“Sobra akong proud kay Paolo sa movie, walang naging problema at si Uge, hindi pa nagpabayad (talent fee),” sabi pa ni Omar.
Maski raw nagpabayad ang ibang artists ay, “Hindi naman sila full-rate, sobrang ganda ng pakikisama nilang lahat.”
Napanood namin ang trailer ng “Die Beautiful” at ang ganda nga roon ni Paolo, lalo na doon sa nakahiga siya sa kabaong at kamukha ni Beyonce.
“Seven looks ang ginawa niya sa movie, Angelina Jolie, Julia Roberts, Miley Cyrus, Beyonce, Lady Gaga, Iza Calzado at secret ‘yung last,” sabi ni Omar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.