Baguhang male celebrity kayang maghubo't hubad tulad ni Baron | Bandera

Baguhang male celebrity kayang maghubo’t hubad tulad ni Baron

Reggee Bonoan - October 04, 2016 - 12:40 AM

jomari

HUMINGI kami ng one-on-one interview kay Jomari Angeles, ang nakababatang kapatid ni Jericho Rosales sa seryeng Magpahanggang Wakas bilang si King dahil hindi namin siya nainterbyu noong grand presscon ng programa na umeere ngayon.

Sa pelikulang “Ma’ Rosa” unang umingay ang pangalan ni Jomari dahil dito nga nanalo si Jaclyn Jose ng Best Actress sa ginanap na 69th Cannes Film Festival sa France nitong nakaraang Mayo.

Bagama’t nakagawa na ng ilang indie films si Jomari tulad ng “Kabisera” (2013), “Kid Kulafu” (2015) na hango sa buhay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na pinagbidahan ni Buboy Villar sa direksyon ni Paul Soriano, at “Babuyan” (Depraved, 2016) na pinagbidahan niya mismo, ay hindi naman gaanong napansin ang baguhang aktor.

Isa pang nakadagdag ingay sa pangalan ng bagitong aktor ay nang sumama siya sa Cannes Film Festival kahit na magastos, siya kasi ang sumagot sa kanyang pamasahe at hotel.

Katwiran ni Jomari, “Siyempre, Cannes po ‘yun, once in a lifetime experience po, kaya maski po sariling gastos, hiniling ko po ‘yun sa magulang ko,” saad ng binata.

Kuwento pa ni Jomari, “Umabot din po ng P100,000 ang nagastos ko, kasama na lahat pati pamasahe. Bale graduation gift ko po ‘yun mula sa magulang ko.”

Sina direk Brillante Mendoza at Jaclyn Jose lang daw ang libre sa pamasahe at ang iba pang sumama tulad nina Maria Isabel Lopez at Andi Eigenmann ay sagot din nila ang gastos.

At dahil ang “Ma’ Rosa” ulit ang entry ng Pilipinas sa darating na Oscar Awards o 89th Academy Awards na gaganapin sa Dolby Theater, Hollywood, Los Angeles, USA sa darating na Peb. 26, 2017 ay tinanong namin kung dadalo ulit si Jomari.

“Depende po sa schedule kasi po ngayon may taping pa po sa Magpahanggang Wakas, bahala na po,” saad ng binata.

Humingi kami ng limang local actors na gustong makatrabaho ni Jomari at masasabing idolo rin niya, “Sina Coco Martin po, John Lloyd Cruz, Sid Lucero, si JM (de Guzman) po at si Mr. Joel Torre.”

Kasama rin si Echo sa gusto ng bagitong aktor at dahil kasama na niya ngayon sa teleserye kaya hindi na niya binanggit pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento pa ng baguhang aktor, napanood niya ang ilang pelikula ni Coco tulad ng “Jay” kung saan may frontal nudity si Baron Geisler. Kaya rin ba niyang gawin iyon? “Kaya ko po ‘yun, kakayanin ko po.

Depende rin po sa proyekto po. Sayang, hindi po ninyo napanood ang Ma’Rosa, medyo daring po ako ro’n, may love scene po kami ni kuya Allan Paule,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending