Arjo tinawag na babaeng Nora Aunor dahil sa pag-arte ng mga mata | Bandera

Arjo tinawag na babaeng Nora Aunor dahil sa pag-arte ng mga mata

Reggee Bonoan - October 03, 2016 - 12:01 AM

 

arjo atayde

SA 1st anniversary presscon ng FPJ’s Ang Probinsyano ay natanong si Arjo Atayde kung paano niya pinaghahandaan ang bawa’t eksena, hindi ba siya nahihirapang magkontrabida sa loob ng isang taon.

“Mahirap din po at the same time madali lang din kasi magaling din ‘yung mga kasama namin, so give and take po. Kahit sinong makaeksena ko na nagbibigay ng emosyon, naa-absorb ko, madadala at madadala ka ng kaeksena mo, but basically, to answer the question, mahirap po talaga.

“You only do what the character requires, I don’t know up to what extend my character can do, but as of now, I’m focus one at a time. Each and every experience na pinasok ko ‘to, ninanamnam ko siya at hindi ko iniisip ahead (anong mangyayari sa susunod), kundi ‘yung ngayon, kung ano ang kaya kong gawin at pagandahin,” kuwento ng aktor.

Hindi ba naba-bother si Arjo na isang taon na siyang kontrabida sa FPJAP at baka marami nang nagagalit sa kanya o baka ma-typecast na siya sa mga ganitong papel.

“Hindi naman po, kasi for me, it’s just a job and nothing more than that and I love it. It’s my girlfriend and love of my life ang acting and it’s a job so for me, so if I can get in a character, I want as much as I want to say I’m doing method, wala tayong oras para ga-win ‘yun.

“But as far as I’m concerned, I’m slightly doing it in a way na I believe my character and I love my character in each every experiences,” katwiran ng binata.

Natanong din kung nagkaroon na ng hindi magandang experience si Arjo kapag lumalabas siya ng bahay dahil nga sa napakasamang papel niya sa aksyon serye nila nina Coco Martin.

“Meron din naman po, but that’s very rare, kasi naman ang mga viewers natin ngayon ay very smart na. Mga bashers, hindi ko naman masyadong pinapansin, actually wala naman masyado,” katwiran ni Arjo.

Samantala, may ibang paniniwala si Arjo sa terminong “kontrabida.” Kung dati raw kapag tinawag ka ng ganito ay ang sama-sama mo na at iba na ang tingin sa ‘yo ngayon ay iba na.

“Actually, for me it’s a different, ang kontrabida the way I saw it before and as I learned through the years, pag sinabing kontrabida, masamang tao, no, it’s not that.

“Ang kontrabida pala has a different belief and each and every person on us, so practically, that’s my logic right now of being a kontrabida, I’m not bad. I just had another belief. I have big responsibilities and doing,” paliwanag ng aktor.

At dahil effective nang kontrabida ngayon si Arjo Atayde ay hindi na ba niya type gumawa ng romantic comedy project na bagay naman sa kanya dahil leading man material naman siya?

“Gusto ko naman po, but honestly speaking, puwede naman akong maging kontrabida for teleseryes and doing rom-com is something I want to do and some other roles para makita ko and knew it, to explore.

So from there, gusto ko munang makita kung ano talaga ang strength ng weakness ko,” pahayag ng aktor.

Nabanggit din ni Arjo na very cautious sila sa kanilang kontrabida cha-racters nina Albert Martinez at Mr. Eddie Garcia dahil na rin sa kontrobersyal na isyu ng droga sa bansa na isa sa tinatalakay na current news sa FPJAP.

“Honestly speaking mahirap magsabi ng, we’re going with the current issues kasi sometimes, nauuna pa kami sa news di ba, if you noticed. Kahit kami nagugulat, so we have to build a certain character and certain nuisance, to certain doings, to certain thinking na ganu’n talaga. So we tried to adopt whatever is given to us,” paliwanag ni Arjo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sobrang hinangaan na naman ang acting ni Arjo sa last Friday episode ng Ang Probinsyano sa eksenang nalaman niyang inambus ang nanay at kapatid niyang babae at ang sakit ng iyak niya habang nasa morgue at yakap ang kapatid.

Maraming nagsabi, babaeng Nora Aunor din daw si Arjo dahil mata pa lang ay umaarte na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending