Jennylyn may bagong leading man sa 'My Love From The Star' ng GMA | Bandera

Jennylyn may bagong leading man sa ‘My Love From The Star’ ng GMA

Reggee Bonoan |September 20,2016
facebook
share this

Jennylyn may bagong leading man sa ‘My Love From The Star’ ng GMA

Reggee Bonoan - September 20, 2016 - 12:20 AM

jennylyn mercado

TRULILI kaya na on-hold ang My Love From The Star, ang Koreanovelang gagawan ng Pinoy version ng GMA 7 na pangungunahan ni Jennylyn Mercado?

Kaya namin ito naitanong ay dahil tulad nang naisulat namin dito kamakailan na aprubado na ng GMA at APT Entertainment ang seryeng pagsasamahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na kailangan ng umpisahan.

Sa madaling salita ay maghihintay si Jennylyn kay Alden na matapos ang serye nila ni Maine bago ituloy ang kanilang pagtatambal? Kaagad itong kinlaro ng aming source, itutuloy pa rin ang nasabing serye ni Jennylyn pero hindi na raw si Alden ang leading man.

“Hindi totoong on-hold, tuloy ‘yan. This October magte-taping na ang My Love From The Star, may napili na ang management na leading man for Jen sa isinagawang audition. Magwo-workshop muna ‘yung napili,” sabi pa ng source.

Pero ang sigurado ay baka sa 2017 na raw ito ieere dahil nga magsisimula pa lang silang mag-shoot.
Tinanong namin kung totoong si Mark Neumann na talent ng TV5 ang magiging ka-loveteam ni Jennylyn sa nasabing serye, “hindi,” ang mabilis na sagot sa amin.

Samantala, ngayong tanghali ang launching ng bagong album ng Ultimate mula sa Ivory Records.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending