Fans nina Janella at Elmo nabitin sa live finale ng Born For You | Bandera

Fans nina Janella at Elmo nabitin sa live finale ng Born For You

Reggee Bonoan |September 19,2016
facebook
share this

Fans nina Janella at Elmo nabitin sa live finale ng Born For You

Reggee Bonoan - September 19, 2016 - 12:05 AM

elmo magalona at janella salvador

ISANG soap opera palang ang pinagsamahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador pero nagulat kami dahil ang dami-dami na pala nilang followers. Kaya pala sa tuwing may write-up kami tungkol sa ElNella ay ang daming nagre-react o nagre-retweet.

At napatunayan namin ito sa nakaraang “Born For You Live! The Concert Finale” last Friday dahil umapaw ang KIA Theater sa pagsugod ng mga ElNella o SamVin (Sam at Kevin) supporters.

Karamihan sa mga nakita naming supporters nina Elmo at Janella ay may mga hawak na red strings at bracelet na reflector kaya ang gandang tingnan habang ginaganap ang concert.

Grabe ang hiyawan ng audience habang kinakanta nina Elmo at Janella ang theme song ng Born For You at habang ipinakikita sa background ang mga lugar na napuntahan nila sa Japan at London.

Bago umere ang live finale ay nagkaroon muna ng program sa loob ng KIA Theater kung saan kumanta ang ibang cast bilang bonus para sa mga sumubaybay sa Born For You.

Nagpasalamat ang buong cast sa pangunguna ng ElNella, Mr. Freddie Webb, Ms. Gina Pareno, Smokey Manaloto, Ayen Munji-Laurel, Francis Magundayao, Katya Santos, Jimboy Martin, Ariel Rivera, Joj Agpangan, Vina Morales at Ogie, Diaz.

Nakakabitin ang live acting na ginawa nina Janella, Elmo, Ayen, Ariel, Vina, Ogie at Freddie dahil konti lang ang ipinakita na habang kumakanta si Sam ay siyang dating naman nina Marge, Ralph at Desdemundo para pigilan ang show ng dalaga.

Ipinahiya ni Marge si Sam habang kimakanta ang awiting sinulat ni Kevin na ibinigay niya sa dalaga na pilit namang inaangkin ng ina ng binata dahil katwiran niya, siya ang legal na may-ari ng kanta dahil contract artist niya ang anak.

Hanggang sa dumating si Kevin at nakipagsagutan sa ina para ipagtanggol ang babaeng minamahal. Nagulat din sina Mike (Ariel) at Cathy (Vina) at kaagad na nilapitan si Sam na hinihiya ni Marge sa harap ng live audience.

Hindi madali ang live acting na ginawa ng major cast dahil nakikita at naririnig nila ang audience na nagre-react habang umaarte sila pero hindi sila nawawala sa focus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congratulations sa buong team ng Born For You at Dreamscape Entertainment dahil maganda ang pagtatapos ng kanilang serye.

Samantala, huwag malungkot ang supporters nina Elmo at Janella dahil may kasunod na agad ang Born For You na hinahanda na ngayon ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending