Harapang Kris-Ai Ai sa GMA inaabangan na; mapagsama pa kaya sa isang show? | Bandera

Harapang Kris-Ai Ai sa GMA inaabangan na; mapagsama pa kaya sa isang show?

Cristy Fermin |August 30,2016
facebook
share this

Harapang Kris-Ai Ai sa GMA inaabangan na; mapagsama pa kaya sa isang show?

Cristy Fermin - August 30, 2016 - 12:20 AM

kris aquino at aiai delas alas

NAPAKALAKAS ng ulan nu’ng Linggo nang tanghali pero nakikipagpaligsahan sa lakas ng ulan ang mga halakhakang naririnig namin sa paligid. Nakatutok ang aming mga kasambahay sa Sunday PinaSaya kung saan kunwari ay pinagtagpo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Leila de Lima.

Si Jose Manalo, siyempre pa, ang gumaganap na si Ka Digong na ang galing-galing sa kanyang impersonasyon.

Pero ang palaging tinututukan ng manonood sa nasabing segment ay sina Ai Ai delas Alas at Barbie Forteza, napapanahon kasi ang mga pagpapalitan nila ng komento, dahil malapit nang mapanood sa GMA 7 si Kris Aquino na ginagampanan ni Barbie.

E, singit nang singit si Barbie, kaya ang komento ni Ai Ai, “Ano ka ba naman, bestfriend, hindi naman ikaw ang tinatanong, pero singit ka nang singit!”

Para sa mga manonood ay parang may hugot ang pananalita ng Philippine Comedy Queen, nakakaaliw ‘yun na nakaiintriga, dahil inaabangan na ng buong bayan ang nalalapit nilang pagtatagpo ni Kris sa istasyon.

Ayaw nang sagutin ng komedyana ang mga tanong tungkol kay Kris, deadma na lang siya, isang tamang hakbang dahil ang ganda-ganda na ng estado niya bilang artista ngayon at maligaya pa ang kanyang puso.

Meron namang isang segment sa Sunday PinaSaya kung saan siya puwedeng maglabas ng kanyang saloobin. Ang dami-dami pa niyang naaaliw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending