Marian tuloy lang ang pagtatrabaho kahit mabuntis uli | Bandera

Marian tuloy lang ang pagtatrabaho kahit mabuntis uli

Jun Nardo |August 29,2016
facebook
share this

Marian tuloy lang ang pagtatrabaho kahit mabuntis uli

Jun Nardo - August 29, 2016 - 12:15 AM

 

 

marian rivera

NAPAPATILI si Marian Rivera kapag sinasabi sa kanyang nagiging kamukha na niya ang anak na si Zia. Nu’ng i-pinanganak kasi ang bata, mas marami ang nagsasabing kamukha ito ni Dingdong Dantes.

Sa panig naman ni Dong, natuklasan niya sa huling bakasyon nila ng pamilya sa Balesin Island na mana sa ina si Zia. Makarinig lang daw kasi ng tugtog ang bata, iginagalaw na niya ang ulo at wari’y umiindak-indak.

Ayon kay Yan Yan nang makausap ng press sa 1st birthday/anniversary presscon ng Sunday PinaSaya, salitan sila ni Dong sa pag-aalaga sa anak. Komo every Sunday ang SPS, si Dingdong ang naka-assign sa bata dahil mula Lunes hanggang Sabado, nagtatrabaho si Dong sa bagong serye ng GMA na Alyas Robinhood at sa reunion movie nila ni Angelica Panganiban na “The Unmarried Wife”.

“Kapag natapos ang soap ni Dong, ako naman ang gagawa ng soap,” saad ni Yan. Paano kung mabuntis uli siya? Plano kasi ng Kapuso Primetime Queen na sundan si Zia kapag two years old na ang bagets. “Bakit? Puwede naman akong mag-host kahit buntis, huh! Marami pa akong puwedeng gawin,” rason ni Marian.

Sa Sept. 4 pala ang unang bahagi ng anibersaryo ng SPS at sa Sept. 11 ang second part. May venue na ito pero once maayos pa ang ibang detalye ay iaanunsyo ito ng GMA. After ng anniversary shows, Japan ang balita naming destinasyon ng team nila bilang bonus ng kanilang tatay na si Mr. Tony Tuviera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending