Angel, Marian nagpalitan ng mensahe tungkol sa Darna | Bandera

Angel, Marian nagpalitan ng mensahe tungkol sa Darna

Ervin Santiago |August 23,2016
facebook
share this

Angel, Marian nagpalitan ng mensahe tungkol sa Darna

Ervin Santiago - August 23, 2016 - 12:05 AM

angel locsin at marian rivera

PINATUNAYAN muli nina Marian Rivera at Angel Locsin na wala silang isyu sa isa’t isa. Nagkapalitan kasi ng mensahe sa Instagram ang dalawa tungkol kay Darna.

Ito’y dahil nga sa pag-share ni Angel sa kanyang IG account ng caricature nila ni Marian na suot ang costume ni Darna. Nilagyan niya ito ng caption na: “Look @therealmarian. Nakita ko lang sa tag photos ko. #Avon artwork by @marvin2ta!” Nag-reply naman si Marian sa post ni Angel ng, “Awwww! Cute!”

Matagal nang tinuldukan ng dalawang aktres ang tsismis na meron silang “silent war” nang magsama sila sa isang magazine pictorial. Pilit kasi silang pinag-aaway noon dahil sa Darna na pareho nilang ginampanan sa teleserye. Napabalita pa nga noon na ire-remake nila ang pelikulang “T-Bird At Ako” nina Vilma Santos at Nora Aunor.

Nagbida si Angel sa Darna series ng GMA noong 2005, at ni-remake uli ito ni Marian noong 2009. Balitang si Angel pa rin ang gaganap sa “Darna” movie na ipoprodyus ng Star Cinema.

Ngunit sa huling panayam namin kay Angel sinabi nitong ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol sa Darna dahil patuloy pa rin siyang nagpapa-therapy ng kanyang spine. Pero aniya, kung talagang para sa kanya ang Darna, mangyayari at mangyayari raw ito.

Sa ngayon, busy si Angel sa shooting ng bago niyang pelikula kasama sina Zanjoe Marudo at Sam Milby, ang “Third Party” sa direksiyon ni Jason Laxamana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending