UV Express bawal na sa Edsa; trapik luluwag na kaya? | Bandera

UV Express bawal na sa Edsa; trapik luluwag na kaya?

Liza Soriano |July 30,2016
facebook
share this

UV Express bawal na sa Edsa; trapik luluwag na kaya?

Liza Soriano - July 30, 2016 - 07:08 PM

ASAHAN na ang bahagyang pagluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA matapos magpalabas ng kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  na nagbabawal sa mga UV Express na dumaan sa nasabing kalsada.

Base sa Memorandum Circular Number 2016-009, na may petsa noong Hulyo 28, 2016, inamiyendahan ng  LTFRB  na hindi na pwedeng mamasada ang mga UV Express van sa mga itinalagang ruta kabilang dito ang EDSA.

Ayon kay MMDA chairman Emerson Carlos, sa hakbangin aniya ng LTFRB, magiging epektibo ang pagpapatupad nito sa unang linggo ng buwan ng Agosto sa sandaling matapos mailathala ang kautusan sa mga pahayagan na may general circulation.

“Yes it will help decongest traffic on EDSA,”  ayon kay Carlos.

Ayon kay Carlos kapag epektibo na ang pagpapatupad ng LTFRB sa pagbabawal sa mga UV Express,  mahigpit na babantayan ng mga enforcer ng MMDA ang EDSA laban sa mga  ito at kapag nahuli ang mga ito ay papatawan ng “out-of-line” na may malaking multa.

Kaya’t payo ni Carlos sa mga  UV express service commuters  at  operators, kinakailangan nila aniyang mag-adjust sa kautusang ito ng LTFRB.

“It would really be an inconvenience but they can make use of alternate routes to reach their destinations aside from EDSA,”  dagdag pa ni Carlos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending