Natatakot tumandang dalaga | Bandera

Natatakot tumandang dalaga

Joseph Greenfield |July 30,2016
facebook
share this

Natatakot tumandang dalaga

Joseph Greenfield - July 30, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ma. Lyn ng KM 11, Sasa, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na September 7, ako ay 41 years old na, na ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya natatakot akong tumandang dalaga. Sabi nga ng mga co-teacher ko, masyado daw akong na in love sa mga bata na tinuturuan ko kaya nakalimutan ko na ang love life ko. Pero hindi naman, dahil ang totoo gusto ko ring makapag-asawa at magkaroon ng srailing pamilya ang problema walang dumarating kaya nag-aalala at natatakot na ako na baka ako ay tumandang dalaga kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Nasa guhit po ba ng palad ko ang tumandang dalaga? Kung hindi, kailan kaya ako makapag-asawa, sino ang lalaking mapapangasawa ko at saan ko makikilala? At kung magkaka-anak pa ako ilan kaya ang magiging anak namin?
Umaasa,
Ma. Lyn Sasa, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang problema dahil hindi ka naman tatandang dalaga, sa halip, kitang-kita ang malinaw at kaisa isang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na medyo may edad ka na sa gulang na 40, tiyak ang magaganap makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Cortomancy:
Queen of Clubs, Seve on Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2017, sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo isang lalaking mas bata sa iyo ang biglang darating, kung saan, makikila mo siya sa kasaluuyan mong trabaho bilang isang guro sa isang pampublikong eskuwelahan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending