Babala ng fans: Angel wag ibibigay ang Darna kay Jessy | Bandera

Babala ng fans: Angel wag ibibigay ang Darna kay Jessy

Ervin Santiago |July 30,2016
facebook
share this

Babala ng fans: Angel wag ibibigay ang Darna kay Jessy

Ervin Santiago - July 30, 2016 - 12:10 AM

angel locsin

MABILIS na kumalat sa social media ang litrato ni Angel Locsin kung saan makikita siyang nakadapa at naka-pose na tila lumilipad.

May suot pang cap si Angel sa nasabing photo na kinunan daw sa loob ng isang gym. Nilagyan niya ito ng caption na: “Naks. #yabangpose.”

Siyempre, na-excite ang kanyang followers at nagsabing mukhang tuloy na tuloy na uli ang paglipad ng Kapamilya actress bilang Darna sa bagong movie version nito under Star Cinema.

Ayon sa isang nag-comment sa picture ng ex-girlfriend ni Luis Manzano, “Gow gow gow Angel! Ikaw pa rin ang perfect gumanap na Darna. Kaya lipad Angel lipad! Kahit si Vilma Santos ikaw ang bet para muling lumulon ng bato at sumigaw ng….DARNA!!!!”

Sey naman ng isang netizen na tila may patama naman kay Jessy Mendiola, “Wag na wag kang papayag na ibigay sa sexiext ek-ek na yan ang BATO ni Darna. Ikaw pa rin ang gusto naming mag-Darna sa pelikula. Magpagaling ka na agad!”

Sa huling panayam sa aktres, inamin niyang gustung-gusto niyang gawin ang proyekto pero hindi pa niya ito pwedeng tanggapin ngayon dahil kailangan pa niyang pagalingin ang kanyang likod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending